chapter 1

41 0 2
                                    

Si Lito ay kilala na magbobote sa kanilang lugar sa Sitio Pulang Bato. Sa edad na labindalawa, bilang panganay, ay siya na ang bumubuhay sa kanyang ina at apat pang mga kapatid. Mula kasi nang mamatay ang kanyang ama dalawang taon na ang nakakalipas ay inako na niya ang responsibilidad nito. Kahit kailan ay hindi mo mariringgan ng reklamo ang batang ito.

Sa kabila ng hirap sa pagtatrabaho na magbobote ay hindi naman nakakalimutan ni Lito ang mangarap. Nasa ikaapat na baitang na siya ng elementarya na kahit alam niyang nahuli na siya kumpara sa mga kaedad niya ay nagsusumikap pa rin si Lito.

Napakasipag niyang bata. Sa eskwelahan niya ginugugol ang oras niya sa umaga at pagbobote naman sa hapon.

Mabait na bata si Lito. Hindi siya nakakalimot na dumaan sa simbahan tuwing lalabas ito para bumili ng mga bote. Masiyahin din siya, na sa puntong kahit hindi kilala ay nginingitian nito at binabati.

"Magandang araw po!" bati ni Lito

"Magandang araw din sa'yo Lito!" sagot ni Mang Iking, ang kapitan ng kanilang barangay.

"Ano'ng maganda sa araw? Umalis ka sa harap ko, ang bahu-baho mo!" sagot ng matabang babae na pusturang pustura na akala mo ay laging may pupuntahan kahit nasa bahay lang ito

"Lumayo ka sa harap ko! Baka malasin ang paninda ko!" sagot ng tindera ng gulay na doble ang patong ng presyo ng mga paninda sa Standard Retail Price (SRP)

Iba-iba man ang reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagbati ay ngiti lang ang ibinabalik ni Lito.

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon