chapter 13

7 0 0
                                    

Halos mahilo na si Lito sa kakahanap sa lampara na halos umagahin na sya sa paglilinis.  Nalala niya na may lumabas na kung anong nilalang dito kagabi.

"hindi kaya nananaginip lang ako?" ang sabi nito sa sarili.

Gayun pa man ay nagpatuloy pa rin si Lito sa paghahanap.  Tinignan na niya sa lagayan ng mga unan, sa cabinet at sa lahat ng sulok ng kanilang barung-barong.

"Anak, ano ba ang hinahanap mo?  Kumain ka na nga ng almusal. May tinapay diyan sa mesa.  May mainit na tubig diyan sa termos, magtimpla ka na lang ng kape." sigaw ni Aling Elsa na naglalaba ng kanilang mga damit sa harap ng kanilang bahay.

"opo inay!" sagot ni Lito.

Itinigil na rin ni LIto ang kanyang paghahanap dahil kailangan pa niyang mangulekta ng mga bote na kanyang ibebenta sa junkshop.  Naligo at kumain si Lito ng almusal at lumabas para kunin ang kariton.

Laking gulat ni Lito nang makita ang lampara sa loob ng kanyang kariton - marumi.  Marumi na parang hindi nya ito nilinis kagabi.  Kinuha ito ni Lito at kiniskis na umaasang anumang oras ay may lalabas na genie na katulad ng nangyari kagabi.  Kiniskis niya ito nang kiniskis..

"Lumabas ka na.." bulong ni Lito sa lampara

Ilang minuto rin sya sa ganitong eksena ngunit bigo si Lito - walang genie na lumabas mula dito.

"Siguro nga ay nananaginip lang ako kagabi" pagpapaniwala ni Lito sa sarili.

Ibinalik nito ang lampara sa kanyang kariton at umalis na para magbote.

Katulad ng madalas mangyari, tuwing kasama ni Lito ang lampara ay marami itong naipong bote.  Nakadalawang labas din si Lito na napupuno ang kanyang kariton bago pa man dumating ang tanghalian.

Matapos mabayaran ni Mang Romy ang nasabing mga bote ay bumili si Lito ng tinapay at isang ice tubig.  Hindi agad ito dumiretso sa kanilang bahay kundi sa isang abandonado at sira-sirang malaking bahay malapit sa kanilang lugar.

Malaki ang bahay na ito na kung tatanyahin ay mayroong dalawang kwarto sa ibaba at apat na kwarto sa itaas.  Habang ang ikatlong palapag ay isang malaking function hall.  Dahil nga hindi pa man ito natatapos ay inabandona na, isa rin ito sa naging paboritong tambayan ni Lito.

Umakyat si Lito sa ikatlong palapag tangan ang tinapay, ice tubig at ang lampara.  Umupo siya sa dulo ng bahay habang nakalawit ang paa nito.  Hindi manlang ito nalula na kukuya-kuyakoy pa ang mga paa habang kinakain ang tinapay na baon.   Nang maubos ang pagkain ay kinuha nito ang lampara saka tinitigan.

"Naniniwala akong totoo ang nangyari kagabi.  Bakit hindi ka nagpakita sa akin kanina?" bulong ni Lito sa lampara habang hinikiskis niya ito.  Isang nakakasilaw na liwanag na may kasabay na usok ang naging tugon nito sa batang kanina pa nagtataka sa mga nangyayari mula pa kagabi.  Lumabas mula rito ang isang kakaibang nilalang na siya ring nagpakita sa kanya kagabi.

"Magandang araw sa iyo kamahalan!" bati ng genie

"sabi ko na nga ba totoo ka, eh!" tugon ni Lito sa pagbati sa kanya ng genie.

"Oo nga totoo nga ako.  Wala naman akong sinabing di ako totoo ah!"  may pagkapilosopong tugon nito

"eh, bakit di ka nagpakita sa akin kaninang umaga nung kiniskis ko ang lampara?" makulit na tanong ni Lito

"Alam mo, ikaw lang ang nakakakita sa akin.  Kung lalabas ako sa harap ng maraming tao, anong iisipin nila sa iyo? Gusto mo bang magmukha kang sira ulo?" si genie

"Sabagay.. Tama ka diyan genie"

"O, ano master Lito, may kahilingan ka na ba? Ipinaaalala ko sa iyo, may tatlo kang kahilingan at ang lahat ng iyon ay kaya kong ibigay. Name it!"

"Sige, may naisip na ako.  Gusto kong magkaroon ng malaking malaki at magandang bahay na kasinglaki ng.. ahhmm.. ng.. nito. Tulad nitong bahay na ito na kumpleto sa gamit at saka.. At saka mga damit."  Nakangiti at excited na hiling ni Lito.

"'Yun na ba yon? 'Yun lang?" mayabang na tanong ng genie kay Lito

"Oo, iyon lang. Ang tanong ay kung kaya mong ibigay 'yon" panghahamon ni Lito

"Wala ka yatang bilib sa kakayahan ko, eh.  Tignan mo ito"

*snap*

Isang pitik lamang ng genie ay naibigay na nito ang nais ng kanyang master.  Ang dating abandonadong bahay na matagal naging tambayan ni Lito ay ang eksaktong bahay na kanyang hiniling.  Maganda, malinis, kumpleto ang pagkakagawa maging ang pintura, gayundin ang mga gamit.

"Wow! Ang ganda naman ng bahay namin! Anlaki! Ang mga gamit, ang ganda! Ang sahig, ang kintab-kintab! Parang salamin!" sigaw ni Lito.  Tuwang-tuwa at di makapaniwala.

"Natupad ko na po ang kahilingan ninyo, master" sigaw ng isang lalaking may kakaiba at makulay na kasuotan. "Tawagin nyo na lamang po ako kapag kailangan nyo ako."  at biglang nawala ang genie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon