chapter 8

6 0 0
                                    

Mabilis na nakauwi ng bahay si Lito. Iginarahe nito ang kariton sa harap ng kanilang barung-barong.  Pagdating nito sa kanilang bahay ay inihanda na ng kanyang kapatid ang kanilang pagkain. Nakapagsaing na ito at nailuto na ang noodles na kanilang ulam. Pagkakai'y inasikaso ni Lito ang kanyang inay. Binigyan niya ito ng gamot atsaka inasikaso ang mga kapatid. Kinuwentuhan niya ang mga ito hanggang sa makatulog. Nang masiguro na wala ng gising sa kanyang mga kapatid ay natulog na rin ito.

"Wow! Ang ganda naman ng bahay namin! Anlaki! Ang mga gamit, ang ganda! Ang sahig, ang kintab-kintab! Parang salamin!" sigaw ni Lito.

"Natupad ko na po ang kahilingan ninyo, master" sigaw ng isang lalaking may kakaiba at makulay na kasuotan. Nakalutang ito at wala itong paa.  Para itong isang usok na nagmula sa isang makintab na metal na mukhang takure.

"Ubo! Ubo! Lito, anak Ubo! Ubo! Ubo!"

Biglang napabalikwas si Lito mula sa kanyang kinahihigaan. Nagulat siya nang makitang yakap-yakap niya ang lampara na iniwan niya sa kanyang kariton. Bigla niya itong naihagis papunta sa kanyang paanan.  Nagpalinga-linga si Lito. Sinuri ang paligid at inisip kung nasaan siya.  Kinurot nito ang pisngi upang siguraduhin na gising na talaga siya.

"Ubo! Lito!" tawag ni Aling Elsa.

"Inay! Inay! Nasaan na po ang malaki nating bahay?" tanong ni Lito

"Ubo! Anak, pasensya na kung di namin kayo nabigyan ng magandang buhay ng ama ninyo. Patawarin ninyo kami na.. Ubo! na hanggang pangarap na lang ang pagkakaroon natin ng magandang tirahan.. Ubo! Ubo! Ubo!"

"Pasensya na po kayo inay. Mukhang totoo po kasi yung panaginip ko, eh. Pero wala naman po akong ibang ibig sabihin doon. Hayaan ninyo inay, magsisikap ako. Makakaalis din ho tayo sa lugar na to."

"Ubo! Salamat, anak!"

"Teka po, bakit ninyo ako tinatawag kanina, inay?" tanong ni Lito.

"Ubo! Akala ko kasi ay gising ka pa. Naririnig ko kasi na tumatawa ka..Ubo! At parang may kinakausap. Akala ko ay gising ka pa at nagpapasok ka ng kung sno sa ating bahay nang di sinasabi sa akin. UBo! Ubo! Ubo!" Paliwanag ng ina ni Lito na sinundan ng sunod-sunod na pag-ubo.

Agad na tumayo si Lito upang ikuha ng maiinom ang kanyang ina. Mabilis naman siyang nakabalik dala ang isang baso ng tubig. Pinainom niya ito at sabay na hinagod ang likod.

"Matulog na po kayo inay. Pagaling po kayo."

"Salamat, anak." sabi ni Aling Elsa na sinundan naman ng paglapat ng likod nito sa higaan nilang sahid na may nakalatag na karton. Hindi umalis si Lito sa tabi ng ina hangga't hindi niya nasisigurado na tulog na ito.  Sampung minuto lang ang nakalipas ay nakatulog na agad ang ina ni Lito. Dala marahil ng masamang pakiramdam at dahil na rin sa alas-dos y media (2:30) ng madaling araw pa lamang noon.

Nagbalik na rin si Lito sa kanyang higaan. Humiga na ito ngunit tumama ang kanyang ulo sa isang matigas na bagay. Agad siyang naupo at kinuha ang bagay na iyon. Laking pagtataka nito nang makita ang lampara na kanina ay naihagis niya.

"Paano napunta ito sa unan ko? Hindi ko naman ito pinulot kanina a?" sabi ni Lito sa sarili.

Tinignan niya ang mata ng mga kapatid. Nakapikit ang mga ito.

"Akala ninyo maloloko nyo ako ha! Kilitiin ko kaya itong mga ito. Kung sinong tumawa, ibig sabihin ay gising."

Kiniliti niya nang bahagya ang tagilran ng mga kapatid ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumawa. Ibig sabihin lamang nito ay wala ni isa sa kanyang mga kapatid ang naglagay ng lampara sa kanyang unan.

Binalewala na lamang ni Lito ang nangyari. Inilagay nito ang lampara sa tabi ng kanyang unan at natulog

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon