chapter 6

15 0 0
                                    

Agad umuwi sina Lito ngunit bago iyon ay bumili muna sila ni Aling Elsa ng mga gamot nito. Mayroon ding kaunting sumobra kaya't nakabili pa sila ng tatlong kilong bigas, labinlimang pirasong tuyo, tatlong itlog, apat na 3in1 na kape at dalawang noodles.

"Yehey! Nandito na sina kuya! Andami naming pagkain!" sigaw ng pang-apat sa magkakapatid

"Hindi natin kakainin ang lahat ng ito ngayon, titipirin natin ito para umabot pa hanggang sa isang araw. Mabuti na iyon kaysa nalilipasan tayo ng gutom." paliwanag ni Lito

"Lisa, magsaing ka na, alas dose na e" utos ni Lito sa babaeng kapatid na sumunod sa kanya.

"Opo kuya." sagot nito

Mahigit isang oras din ang lumipas bago sila nakaluto. Sabay-sabay kumain ang mag-anak. Nagpahinga rin ng kaunti si Lito bago pa siya umalis at magbote. Ala una bente na siya nakaalis sa kanilang bahay. Tulak tulak ang kanyang kariton, iniisip na ni Lito na marami siyang makukuha sa araw na iyon.

"Maganda ang bati sa akin ng araw na ito. Sana rin ay maging maganda rin ang kita ko ngayon." sabi ni Lito sa sarili.

Makalipas ang limang oras ay hindi nga nabigo si Lito. Napuno ang dala niyang kariton na kanina'y walang laman. Huli niyang dinaanan ang bahay ng kapitan.

"Alas sais y media (6:30) na. Sana ay nandito na si kapitan" bulong nito sa sarili.

"Tao po! Tao po! Kapitan!" sigaw ni Lito.

Agad namang lumabas ang tao na kanyang pakay.

"O, Lito. Kamusta na ang nanay mo?" agad na tanong nito

"Sana po ay maging ok na siya kapitan. Nabilhan ko na naman po siya ng gamot kanina e. May trangkaso at ubo daw po siya. Maraming salamat nga po pala, kap!" nakangiting sabi ni Lito

"Wala iyon Lito. Tulong ko sa inyo yon bilang kapitan ng barangay na ito. Saka alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo, e. Basta ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting anak o mamamayan ng bayang ito, at dapat, laging kang tapat sa lahat ng gagawin mo."

"Makakaasa po kayo kapitan!" sagot nito na sinabayan pa ng pagsaludo

"Sige na, umuwi ka na at gabi na." si kapitan

"Opo." pagsunod ni Lito

Mabilis na tinungo ni Lito ang junk shop kung saan niya binebenta ang mga nahahakot na bote. Tuwang-tuwa ito nang makita kung magkano ang kanyang kinita, naka-PhP 107.00 din ito.

"May pambili na kami ng pagkain para sa isang araw." naisip ni Lito

Bago pa siya umuwi, dala ng pinaghalong pagod at gutom ay bumili si Lito ng softdrinks at dalawang pirasong tinapay. Para di masayang ang oras ay naglakad na ito habang kumakain at tulak ang kanyang kariton.

Mabilis naman niyang naubos ang tinapay.

Gamit ang isang manipis na straw na may patayong guhit na pula-puti-pula-puti, habang sinisimot ang softdrinks na nakalagay sa manipis na plastic ng yelo ay may nasipa si Lito na isang bagay na parang gawa sa metal/

"Aray!" sigaw nito habang nakatungo na parang hinahanap ang bagay na iyon.

kaliwa, kanan, kaliwa, kanan.. Wala siyang nakita.

Binalewala na lamang nito ang nangyari at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nakakaisang hakbang pa lang ito ay may naapakan siya na parang metal na bagay. Agad niyang pinulot ito, tinignan. Hindi siya nagkakamali. ito ang bagay na nasipa niya kanina.

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon