chapter 10

11 0 0
                                    

Tila dinapuan ng kung anong swerte si Lito. Sa isang linggo na paglabas niya, araw-araw ay naging malaki ang kinikita nito.  Lagi rin siyang nakakauwi ng maaga kahit dalawang magkasunod na beses siyang lumalabas sa loob ng isang araw. Lagi rin namang naiiwan ang lampara na ayaw kunin ni Mang Romy sa kanyang kariton.

Sa isang linggo na iyon ay gumaling ang ina ni LIto. Hindi ito pumalya sa mga gamot at ganoon na rin ang kanilang pagkain. Nakapagluto at nakakain na rin sila ng mga putahe na minsan lamang nila natikman. May naipon na rin si Lito.

Isang Lunes ng umaga..

Kinuha ni Lito ang lampara na nasa kanyang kariton. Tinitigan niya ito.

"Maitago ka nga baka mawala ka pa, eh. Sayang" sabi ni Lito sa lampara habang nakatingin dito. Agad niyang itinago ang napulot na bagay sa kanyang damitan at saka umalis.

Salungat sa inaasahan, walang naiuwi si Lito. Wala siyang kinita noong araw na iyon. Marahil ay naunahan siya ng ibang magbobote kaya't lalo pa niyang inagahan ang alis kinabukasan. Ngunit naulit lang ang nangyari kahapon.  Maaga na siyang umalis at ginabi na ang uwi ay walang kinita si Lito. Dala ng matinding pagod sa buong araw na pagbobote

"pssst! pssst!"  mula sa isang di makilalang tinig

"Sino yan?" tanong ni Lito

"pssst! pssst! Lito!"

"Sino ka? bakit mo ako kilala? Nasaan ka? Magpakita ka sa'kin!"

"tumingin ka sa kaliwa mo"

Agad namang sumunod si Lito. Tumingin siya sa kanyang kaliwa at nakita ang kanyang kabinet. May liwanag na nanggagaling dito. Mga liwanag na pilit na kumakawala sa mga siwang at butas sa kanyang kabinet at pintuan nito. Dahan-dahan niyang nilapitan ang pinagmumulan ng liwanag. Binuksan niya ito na ikinasilaw naman ni Lito. Napakatindi ng liwanag. Tinakpan ni Lito ng kanyang mga kamay ang kanyang mga mata dahil hindi niya magawang tumingin dito.

"Lito!"  tawag ng di kilalang boses

"Lito!"  tawag nito na lalo pang lumakas

"Lito!"

"Aaaaaaaahhhhhhh!" sigaw ni Lito. Mabilis siyang nanakbo papalayo pero hindi siya umaalis sa pwestong iyon.

"Lito!" hindi malaman ni Lito ang gagawin. Palakas ng palakas ang pagtawag nito sa kanya at parang papalapit sa kanya ang boses na iyon

"Lito!"

"Lito!"

"Lito!"

"Lito! Gumising ka!"

"Lito!" paggising ni Aling Elsa sa anak.

Agad na nagmulat ng mata si Lito at napaupo na parang hingal na hingal. Dali-dali namang lumapit ang kanyaang kapatid na si Lisa na may dalang isang basong tubig. Pinaimnom siya nito. Matapos makainom ay tinanong siya ni Aling Elsa.

"Ano bang nangyari sa'yo, anak? Narinig ka na lang namin na sumisigaw ka na parang takot na takot. Hindi ba sinabi ko sayo na huwag kang matutulog ng pagod at busog? Nakakabangungot 'yon, eh. Mabuti na lamang at gising na kami ng mga kapatid mo at narinig ka namin."

"Pasensya na po 'nay!" maikling sagot nito. Agad na tumayo si Lito at naghilamos.

"Nay, aalis na ho ako." paalam niya

"Mag-almusal ka muna Lito bago ka umalis" pag-aalala ng ina nito

"Mamaya na lang ho inay, maaga na lang ho ako uuwi para sabay-sabay tayo makapananghalian." si Lito

Pumunta si Lito sa kanyang kabinet at kinuha ang lampara. Dinala niya ito atsaka inihagis sa kanyang kariton. Patuloy na naglakad si Lito. Gaya ng kakaibang nangyari noong nakaraan, hindi pa man siya nakakaubos ng dalawang oras ay napuno na ang kariton na dala nito.

itutuloy...

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon