chapter 11

12 0 0
                                    

Hindi maintindihan ni Lito ang nangyayari pero napapansin niya na kapag nasa kariton at dala niya ang lampara ay malaki ang kinikita nito.  At kabaligtaran naman ang nangyayari kapag hindi niya ito dala.

Pagkauwi ng bahay ay itinago ni Lito ang nasabing lampara.  Inilagay niya itong muli sa kanyang aparador.

Kinagabihan, nang masiguro na tulog na ang mga kapatid ay kinuha niya muli ito at tinitigan..

"Ikaw ang swerte sa akin." sabi ni Lito sa sarili habang nakatingin sa nasabing bagay.

Agad na tumayo si Lito dala ang bagay na napulot at naghanap ng lumang damit na hindi na niya ginagamit.  Binasa niya ito nang bahagya at saka naupo sa kanyang higaan. Dahan dahan niyang dinampi ang basahan sa lamparang animo'y nababalutan ng kalawang.  Matiyaga niyang pinunasan ito. Makalipas ang halos isang oras ay natapos siya sa paglilinis.  Napakintab niya ang lamparang akala mo ay di na matatanggal ang dumi at kalawang na nakabalot dito.  Kumuha si Lito ng langis at inilagay sa basahan. Matiyaga niyang pinunas ang basahan na may langis sa bagay na kanina pa niya nililinis. Umaasa na mapakikintab niya ito  Hindi naman nabigo si Lito. Napakakintab na ng lampara na kanina ay napakadusing.

"Ok na lampara.. Nalinis na kita. Lagi kitang isasama sa pagbobote ko. Bigyan mo ulit ako ng swerte bukas ha!" sabi nito sa lampara.  "Sige na, matutulog na ako. Maaga pa tayo bukas, eh." dagdag pa nito na animo'y nakikipag-usap sa may buhay

Gandang ganda si Lito sa lampara at sa kakaibang kintab nito. Bago pa man matulog ay tinitigan pa niya ito. Pinagmasdan ang labas nito. Napakakintab. Para na siyang nananalamin. Napakakinis. Hindi maialis ni Lito ang kanyang paningin sa nasabing bagay. Wari'y naakit na siya sa kinang nito. Dahan-dahang dinampi ni Lito ang kanyang kaliwang kamay sa katawan ng lampara.  Kiniskis niya ito hanggang sa..

"Maraming salamat sa pagpapalaya mo sa akin kamahalan."

Isang lalaki na may kakaibang kasuotan ang biglang lumabas sa bibig ng lampara.  Makulay ang suot nito. Napakakintab at nakakasilaw.  Kakaiba ang itsura ng lalaki. Mukha siyang tao ngunit wala itong paa.  Ulo hanggang baywang lamang ang nakikita ni Lito. Mula baywang papuntang papa ay parang isang buntot na mukhang usok na ang sukat ay papaliit papunta sa bibig ng lampara.

"S-sino ka? S-saan ka galing?" natatakot na tanong ni Lito.

"Ang tao talaga, alam na ang sagot ay nagtatanong pa" sarkastikong sagot ng kakaibang nilalang.

"D-dito ka ba sa lampara nanggaling?" tanong mulit ni Lito

"Saan pa ba? Diba nakita mo na akong lumabas diyan? Edi 'dyan nga ako galing" sagot muli nito

"S-sino ka? A-anong klaseng nilalang ka?" si Lito.

"Isa akong genie. Isandaang libong taon na akong nakakulong sa lamparang iyan at salamat sa iyo, kaibigan, pinalaya mo ako." masayang sagot nito kay Lito

"I-isa kang g-genie? Yung katulad ng mga napapanood ko sa tv nina Aling Mameng? 'Yung may magic?" excited na tanong ni Lito.

"Eksakto!"

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon