chapter 9

7 0 0
                                    

Kinabukasan ay nagising si Lito sa pagtakbo ng kanyang bunsong kapatid sa loob ng kanilang bahay. Kinapa nito ang lampara sa tabi ng kanyang unan ngunit wala ito. Agad na bumangon si Lito.

"Ubo! O, anak, gising ka na pala?" bati ni Aling Elsa

"Inay, nakita nyo po ba yung lamapra sa tabi ng unan ko?"

"Ubo! Naku anak, wala naman akong nakikitang lampara, e. Itanong mo sa mga kapatid mo baka may nadampot sila? Ubo!"

"Lisa! May nakita ba kayo na lampara sa tabi ng unan ko?" tanong ni Lito sa kapatid na abala sa pagtitimpla ng kape.

"Wala naman akong nakitang lampara kuya. Saka wala rin namang lumalapit sa unan mo."

Wala namang nagawa si Lito kundi ang pabayaan na lamang ang nawalang lampara. Wala rin naman siyang gagawin dito. Hindi rin naman nanghinayang si Lito dahil hindi rin naman niya ito maibenta.

Uminom ng kape si Lito at pagkatapos ay inilabas nito ang kanyang kariton. palibhasa'y bakasyon noon kaya araw-araw nakakalabas si Lito para magbote.

Paglapit ni Lito sa kariton ay nakita nito ang lampara. Hindi ito nabago sa kanyang posisyon mula nang ilagay niya ito dito. Hindi na lamang ito pinansin ni Lito at nagpatuloy sa paglalakad.

Dalawang oras lamang ay napuno ni Lito ang kariton. Agad itong pumunta sa junk shop at binenta ang mga ito. Alas-9 pa lang naman kaya't lumabas ulit si Lito para magbote.

At sa mahigit na isang oras, napuno niyang muli ang tinutulak na kariton.

"Aba! Ang sipag ni Lito. ah! Isang oras ka pa lang nanggagaling dito ay nakapuno ka nanaman ng kariton mo." bati ni Ka Romy, ang may ari ng junk shop.

"Medyo sinuwerte lang po" tugon ni Lito na sinundan ng isang magandang ngiti

"Aba, mas malaki ang kinita mo ngayon kaysa kanina. Kanina ay PhP128.00, ngayon, etong PhP201.00. Ayos bata. Ipagpatuloy mo lang iyan. Siya nga pala, iniwan ko sa kariton mo yung lampara na pinakita mo sa akin kagabi. Naisama mo kasi, eh. O pano, marami pa akong gagawin, eh. Hanggang sa uulitin ha!"

"Salamat po Ka Romy." si Lito

Akmang aalis na sana si Lito ay may isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya. Mahaba ang buhjul-buhol na buhok nito na kung iisipin mo ay di na kaya pang paghiwa-hiwalayin ang mga buhol, mabaho rin ito, napakarumi at sira-sira ang suot. Nakasahod ang kamay nito na parang may hinihingi kay Lito sinabayan pa ng paghawak sa tiyan na tila nagsasabi na siya ay nagugutom.

Naintindihan naman ni Lito ang ibig sabihin ng matanda kaya agad itong nagtungo sa tindahan na nasa tapat lamang na kinatatayuan niya.

"Pagbilan! Pagbilan!" sigaw ni Lito na sinasabayan ng sunud-sunod na pagtuktok nito ng barya sa takip ng bote ng stick-O na nakadisplay sa tindahan.

"Ano yon?" tanong ng tindera

"Pagbilan nga po ng isang balot na tinapay saka po isang maliit na sopdrinks. Pakilagay na po sa plastik!"

Iniabot ni Lito ang mga binili sa matandang lalaki. "Pasensya na ho.." atsaka umalis habang tulak ang kanyang kariton.

Mabilis na nakauwi si Lito.

"O, anak. Maaga ka yatang nakauwi ngayon? Ubo!" takang tanong ng ina nito

"Opo inay, medyo sinuwerte po ako ngayon. Ito po ang kinita ko ngayon, inay."

"Ubo! Itago mo na iyan anak. Ipunin mo para sa susunod na pasukan."

"Pambili po natin ito ng pagkain, inay. Medyo malaki naman po ang kinita natin ngayon, eh."

"Ikaw na ang humawak niyan, Lito. Hindi naman ako makalalabas. Mahina pa ang katawan ko."

"Sige po inay, ako po ang bahala"

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon