chapter 7

15 0 4
                                    

Agad niyang pinulot ang bagay na kanyang naapakan, tinignan niya ito na wari mo'y sinusuri. Hindi siya nagkakamali. Ito, ito ang bagay na nasipa niya kanina. Medyo mabigat ito. Kung titimbangin mo ay aabot ito ng isang kilo. Mukha itong luma at maliit na takure. Parang lagayan ng tsaa o kape pero mas mahaba ang leeg. May takip din ito pero hindi ito natatanggal. Mayroon din itong maliit na hawakan.

"Ano kaya ito? Medyo mabigat ito, magkano kaya ito kapag binenta ko ito sa junk shop?" naisip ni Lito

Agad siyang bumalik sa junkshop upang ibenta ang napulot.

"Ka Romy! Bumibili po ba kayo ng ganito? Magkano po kaya ito? Medyo mabigat, eh." sabi ni Lito sa may-ari ng junk shop.

"Teka, ano ba yan?" tanong nito habang papalapit sa kanya. Tinignan niya ang dala-dala ni Lito. Kinuha at saka sinipat.

"Iho, ano naman ito? Lampara? E wala ngang kabigat-bigat ito, eh. Ang mabuti pa ay iuwi mo na lang ito nang mapakinabangan mo. Sige na, at may gagawin pa ako."

Wala nang nagawa si Lito kundi iuwi ang bagay na napulot. "Mapapakinabangan ko rin 'to" sa isip niya.

Inilagay niya ito sa kariton at saka nagpatuloy sa paglalakad.

itutuloy...

hiling [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon