Speechless

22 5 0
                                    

Speechless
By:redeyes24

Nandito kami ngayon sa bahay ng kapatid ko.  Pitong taong gulang na ako samantalang tatlong taon naman siya. Ako si Scarlet at siya naman si Ciel.

Mabilis kaming nagtago sa loob ng malaking aparador ng marinig ang pagbukas ng pintuan.  Tinakpan ko ang bibig ko at tahimik na umiyak.

"Ha! Scar! Ciel! Na saan kayo?! "Sigaw ng aming ama. Simula ng umalis si mama kasama ang KAIBIGAN daw niya ay naging ganiyan na si papa...mas lumala siya.

"Huwag kang maingay. "Bulong ko sa kapatid ko, tumango naman siya.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang malakas na kalabog.
Nabuksan na niya ang pintuan. 
Hindi ko napigilang mapasigaw sa gulat.  Napatigil ako at napatingin sa kapatid kong mas lumakas ang iyak.
Bumukas ang pintuan ng aparador. Hinila ni papa si Ciel.

Kitang-kita ko kung paano niya saktan ang kapatid ko. Paluin, sabunutan, ihambalos, at kung anu-ano pang pananakit.

"C-ciel! "Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumawa ng ngumawa at isigaw ang pangalan niya.

"Ha! "

"CIEL! "Sigaw ko at dali-daling dinaluhan ang katawan ng kapatid ko.

"A-ate. "Mahinang sabi niya at unti-unting ipinikit ang mata.

"C-ciel? Ciel! Sorry, Sorry! "Kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano malagutan ng hininga ang kapatid ko dahil sa kasalanan ko.

"Kasalanan mo 'to! "Sigaw ni papa at saka ako iniwan.  Nakatingin sa kapatid kong hindi ko na makilala.

Ako si Scralet at may kapatid akong si Ciel.  Ako'y pitong taong gulang at siya'y tatlong taong gulang. Iniwan kami ni mama at laging lasing at binubugbog kami ni papa.  Nakita ko kung paano namatay si Ciel sa kamay ng aming ama.

Nang dahil sakin na wala si Ciel at simula no'n ay hindi na ako nagsalita dahil sa takot na may masaktan na namang iba.



----thE eNd----

Speechless
By:redeyes24

"Magulang ang gumagabay sa mga anak para maging mabuting tao paglaki. At ang mga anak ang mag-aalaga sa magulang pagdating ng hinaharap para masuklian ang kanilang paghihirap. "

•-•Aishiteru^\\\^


One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon