Buntis
By: redeyes24"Ma... pa... "
"Oh, ano na namang ka-dramahan 'yan? "Kahit nahihiya ay lakas loob kong hinarap ang mama at papa ko. Laking pasalamat ko na lang at wala ang mga kapatid kong lalaki.
"H-hindi ko naman po talaga sinasadya eh... "Muli akong napayuko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Paano ko ba sisimulan?
"A-ano ang sinasabi mo? "Bahagyang napa-abante ng upo si mama at tinignan ako ng hindi makapaniwala.
"Tsk, ano na namang kalokohan 'to?! "Pa-galit na ani ni papa habang napapa-iling pa.
Takot... Tanging nararamdaman ko ngayong kaharap ko ang mga magulang ko.
"Ma... pa, b-buntis po ako. "
"H-ha? "
"Ma! "Dali-dali akong lumapit kay mama para alalayan siyang tumayo at muling ini-upo sa sofa.
"A-anong pinagsasasabi nitong anak mo, Magdaline? "
"L-lasing po kami nung mga panohon na 'yon... "Unti-unting bumagsak ang luha ko at napaluhod na lang ng hindi ko makayanan ang sakit na nararamdaman ko.
Aaminin ko... kasalanan ko rin naman dahil...
"A-anak... "
"Ma, mahal ko po siya... "Pilit kong pinunasan ang luha ko na patuloy pa rin sa pagbagsak. "... papanagutan naman daw po niya ako. "
"P-pero ang babata niyo pa? "
"Magdaline, hayaan mo na nga 'yang anak mo! "Nagulat ako sa pagsigaw ni papa kaya mas lalo akong napa-iyak.
Talaga bang hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal ng isang ama?
"P-papa... "
"Ano ba naman 'yan, anak? Kailan ka pa ba matututo?! "Galit na sabi ni mama at inalalayan ako sa pagtayo. Ilang beses pa sana akong tutumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko, buti na lang at nandito si mama para alalayan ako sa bawat pagbagsak ko... sa bawat kamalian ko.
"Kaninong cellphone 'yon? "
Doon ako natauhan at napa-kapa sa bulsa ko.
"A-akin po... "Nahihiyang sagot ko kay papa na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa akin.
"H-hello, James? "Bungad ko sa BOYFRIEND slash future husband ko.
"Break na tayo! "
"Break na tayo! "
"Break na tayo! "
"Break na tayo! "
"A-ano? "Parang na bingi yata ako. Ang kaninang tumigil kong luha ay muli na namang bumagsak.
"Tapos na ako sayo, kaya please, huwag mo na akong ko-kontakin kahit kailan! "
"Baliw! Anong huwag ko-kontakin? Ibalik mo muna 'yung 2-5 na ibinibigay ko araw-araw! "
"Bigay mo na 'yon kaya akin na! "
"Hoy, Mister! Anong iyo? Dati pero ngayon hind --- Hello?! Hello?! Aba't ang g*g* na 'yon pagpatayan ba naman daw ako?! "
Pinanggigilan ko ang cellphone ko at itatapon sana ng ma-realize ko na mahal ang bili ko. Matagal ko ring pinag-ipunan 'to 'no!
"Ehem! Ano? "Napalingon ako kay papa na ngayon ay pinagtataasan ako ng kilay.
Taray ni father, marunong magtaas ng kilay!
"B-break na po kami... hindi na po niya ako pananagutan. Huhuhu! "Para akong bata na inagawan ng laruan at walang ibang ginawa kundi ang ngumawa ng ngumawa.
"Pa... "Bulong ko at tiningala ang tatay ko na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko.
"Tanggap kita ng buong-buo... "Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. "... at kami na ang bahala sa anak mo. "
"T-talaga po? "Hindi makapaniwalang tanong ko rito na agad nitong sinundan ng tango.
"Pero anak... wala kang matress. Paano ka magkaka-anak n'an, Juancho Rodrigo Junior? "
"Pfft! "
"HAHAHAHAHAHAHA! "
Kahit kailan talaga panira sila ng pangarap ng isang dyosang katulad ko. Hmp!
--- thE ENd ---
Buntis
By: redeyes24"Minsan hindi masamang mangarap, pero huwag naman sobra-sobra, Mars. Hindi ko kineri eh! "
•~• Aishiteru ^///^
![](https://img.wattpad.com/cover/214451297-288-k916547.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga kwentong gawa-gawa ni author at ang iba ay real life stories... Puro ka-dramahan at kakatawanan samahan na din ng katatakutan. Hindi mahilig sa romance si author eh. Also follow my other stories... Love yah my REDeras and REDeros! •-• Aishite...