Regalo

16 5 0
                                    

Regalo
By:redeyes24

Bisperas ng Pasko...

"Na saan ang pera sa lamesita ha?! "Sigaw ng isang ama sa isang batang babae.

"P-po? "Kinakabahan na tugon nito sa ama at unti-unting umatras kasabay ng luha nito na unti-unting pumapatak sa pisngi.

"Ah, at nakuha mo pang magsinungaling ha! "Kinuha nito ang tambo na malapit sa pintuan. "Pumarine ka ngang bata ka! Kailan ka pa natutong magnakaw?! "At walang habas na pinalo ng ama ang bata ng mahagip niya ito.

Kahit ang totoo ay ibinili na niya ito ng kwatro at bilog (alak).

Iyak at pagmamakaawa lang ang maririnig sa buong bahay kahit ang mga kapitbahay ay walang magawa kung hindi maawa. Na sanay na din sila sa ganitong senaryo. Umuuwing lasing ang ama at pag walang ulam o pagkain ay bubugbugin ang anak. Wala nang ina ang bata at ang mga kapitbahay o kung sinu-sino na lang tumutulong dito, namamalimos o nagbabakal-bote ang ginagawa nito para hindi sila magutom. Sa murang edad ay natutunan agad nito ang magbanat ng buto.

"Manang-mana ka talaga sa puta na ina mo! Ano?! Baka sa susunod eh ibenta mo na tong mga gamit dito?! "At a huling pagkakataon ay pinalo niya ito ng tambo ng napakalakas at itinulak. "Mga walang kwenta! Magsilayas nga kayo! "

"P-papa... "Nanghihinang bulong nito at dahan-dahang tumayo. Kulang na lang ay balian ito ng buto.

Pumunta na lang ito sa kariton para makapangalakal pa.

•~•~•~•~•

"Hoy! "Napatingin siya sa tatlong binatilyo na humarang sakaniya.

Napatras siya ng lumakad ito papunta sa kaniya.

"Akin na yang pera mo! "Utos nito at nilahad ang kamay.

"P-pero, para ito mamaya... W-wala kaming maihahanda ni papa p-pag binigay k-ko to sa inyo. "At unti-unti na namang lumandas ang luha sa kaniyang mata.

"Oh, tapos? Anong pakialam ko? "At lumapit g dalawang kasama nito at hinawakan ang baraso niya. Walang pakundangang hinablot nito ang pera mula sa kaniya. Paalis na sana ang tatlong lalaki pero kinagat niya ang isa sa mga ito a braso.

"Ahhh! "At tinabig ng binatilyo ang kawa-awang bata. "Walang hiya ka! Baka may rabies ka pa! "At pinagtatadyakan nila ito.

Umiwi ng luhaan dala ang dalawang itlog para mailuto at gawing handa ngayong pasko.

Halos maghahating-gabi na ng maka-uwi ang kaniyang ama. Halos sampung oras na naghintay ito sa sira-sirang upuan na gawa sa kawayan.

"Papa! "At tumakbo ito sa ama at niyakap. "Maligayang pasko po! "

Tinabig ng malakas nito ang bata at pumunta sa kusina.

"Anong ulam?! "Galit na tugon nito at binuklat ang taklob sa lamesa. "Itlog? Itlog lang! "At dali-dali itong lumapit sa bata at hinaklit ang tainga nito. "Maghapon kang nangalakal, tapos ito lang! Ito lang ang kakainin? "At pahagis na binalibag niya ito.

"S-sorry po. "At umiiyak na tumakbo ito sa kwarto.

Kinabukasan...

Naabutan niyang nag-iinom ang kaniyang ama. Ngumiti ito ng bahagya ng makitang nakatingin ang kaniyang minamahal na ama sa kaniya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon