Selfless
By: redeyes24"Good morning!" Bati ko sa mga kaklase ko ng may matamis na ngiti sa labi.
"Hi!"
"Buti hindi ka na late."
"Musta umaga mo ngayon?"
Natigilan ako sa huling tanong na narinig ko.
"A-ayos lang," ngiting tugon ko bago dali-daling pumunta sa pwesto ko.
Ayos lang naman ako. Bukod sa nag-away ang magulang ko --- na araw-araw na yata --- ay ayos lang ako. Wala pang nangyayaring masama.
Dahil kung malulungkot ako, wala rin namang may paki-alam. Wala ring magtatanong ng dahilan. At wala rin namang maglalakas loob na tulungan ang isang tulad ko.
Kailangan kong ngumiti para ipakitang ayos at malakas ako.
•~•~•~•~•
"Chayie, penge namang papel oh!"
Napalingon ako sa katabi ko na nakalahad ang kamay.
May quiz kami ngayon kaya inilabas ko ang 1/4 sheet of paper ko na kakaunti na lang.
Ayaw ko man siyang bigyan dahil wala naman na akong pangbili ng bago ay binigyan ko pa rin si Mark.
Ngumiti naman ito bago lumingon sa mga kasamahan.
"Guys, ito oh! Si Chayie may papel pa, hingi na kayo!"
Nagulat ako ng i-announce nito ang pagbigay ko sa kaniya ng papel.
Nagsilapitan ang mga kaklase namin sa akin ng nakalahad ang mga kamay. Napabuntong-hininga na lang ako at sinimulan silang bigyan ng papel isa-isa.
At sa huli, walang natirang papel sa akin kaya ang pinaka-cover ng papel ang ginamit ko. Mahirap dahil walang guhit na susundan pero kailangang magtiis.
Ayaw ko namang masabihan ng madamot sa gamit at pagbulung-bulungan ng iba. At kung manghihingi ako ay wala rin namang magbibigay.
Na sa kalagitnaan kami ng pagsusulit ng may maramdaman akong kumukulbit sa akin. Bahagya ko itong nilingon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Eries. Alam ko na 'to...
"Anong sagot sa 3, 5, at 11? Hindi ko kasi na rinig."
Sabi ko na.
Napabuntong-hining na lamang ako at pasimple kong inabot ang papel ko sa kaniya.
"Salamat!" Tugon nito bago ibinalik sa akin ang papel ko na medyo na gusot na.
Isusulat ko na sana ang sagot sa number 13 ng hilahin ng katabi ko ang papel ko dahilan para maguhitan ito.
"Akina nga papel mo! Ito 'yung akin!" Nagulat ako sa naging asal ni Viel, pero wala akong nagawa kundi tanggapin ang papel niyang tanging numero lang ang sulat. May mga bumakat na sulat mula sa pagkakabura niya pero hindi ko namabasa. Buti na lang lapis gamit niya.
Laking pasalamat ko na lang at tanda ko ang mga sagot ko sa papel.
Na sa kalagitnaan ako ng paglilipat ng sagot ng muling may kumulbit sa akin.
Lagi na lang bang ganito?
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko pero hindi itinataas ang tingin kay Lyne, na siyang na sa tapat ko.
"Ahm, pwedeng pahiram ng pen?"
"Ito oh," inabot ko rito ang gamit kong ballpen na walang oag-aalinkangan nitong tinanggap.
Hindi man lang tinanong kung may extra ako.
Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang lapis sa bulsa ng bag ko.
Natatakot akong masabihan ng madamot dahil sa hindi ko sila pinahiram o binigyan ng bagay na meron ako. Pero mas natatakot akong mawala ang lahat ng meron ako ngayon.
•~•~•~•~•
Isinukbit ko na ang bag ko at handa na sanang lumabas ng may tumawag ulit sa akin.
"Bakit?" mahinang tugon ko bago lumapit sa pwesto nila Gail na naglilinis.
"Bhe, padala naman nito kay Ma'am. Hindi ko na kasi madadala ang daming linisin," nakangiting utos nito at inabot sa akin ang mga folders. Ang dami.
Sinunod ko na lang siya at pumunta sa teachers office.
Sa lahat ng kaklase ko si Gail at Viel lang ang mabait. Mabait din naman ang nga kaklase ko pero tuwing may kailangan lang.
"Ate Gail, paki-check-an din daw po nitong test papers," inabot nito ang mga papel at inilagay sa bag niya.
Handa na sana akong umalis ng may tumawag na naman sa akin.
"Chayie, itapon mo nga itong basura doon sa labas. Ikaw na rin magsara ng pintuan may lakad kasi kami,"
"P-pero---"
"Tara guys! Si Chayie na daw bahala!" wala na akong nagawa ng magsi-alisan silang lahat. Pati si Ate Gail ay iniwan din ako.
Ginawa ko na lang ang inutos nila para makauwi na.
Hindi ko man lang matanggihan sila Kriz dahil sa takot na ma-bully ako.
Nakakainis. Lagi na lang ako!
Ni minsan 'di ko man lang na isip ang sarili ko sa lahat ng bagay. Laging sila ang inuuna ko. Nakakasawa na!
•~•~•~•~•
"Ma, nandit--- MA!"
Napatakbo na lang ako papalapit kay mama na naka-upo malapit sa pintuan.
"A-ang papa mo, i-iiwan na tayo!" bigla itong pumalahaw ng iyak kaya dali-dali ko itong dinaluhan.
"M-mama," tanging na i-usal ko.
"Nakakasawa na kayo!" isagaw mula sa loob at ng tumingin ako, bumungad sa akin si papa na may dala-dalang mga bag.
"P-papa!"
"Bahala na kayo sa buhay niyo!"
Sigaw nito at dali-daling lumabas ng bahay.
"AHHH!!! Nakakasawa na! Kailan niyo ba maiisip na may anak kayo?! Lagi na lang ako ang nagpapaubaya! Sa bahay, sa school, kahit saan walang may paki sa akin! Kailan niyo ba ako papansin?! Kailan niyo ba maiisip na napapagod din ako?! Lagi na lang kayo ang iniisip ko, kailan ko ba iintindihin ang sarili ko?!"
--- thE eND ---Selfless
By: redeyes24"Being selfish is not our problem, it's the people around us make us selfish. And being selfless is our problem because we're scared to be judged."
•~• Aishiteru ^///^
![](https://img.wattpad.com/cover/214451297-288-k916547.jpg)
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga kwentong gawa-gawa ni author at ang iba ay real life stories... Puro ka-dramahan at kakatawanan samahan na din ng katatakutan. Hindi mahilig sa romance si author eh. Also follow my other stories... Love yah my REDeras and REDeros! •-• Aishite...