Hospital
By: redeyes24"Louie, d'yan ka lang ha? H'wag nang lalabas, okay? "
"Opo nurse Anne! "Magiliw na sagot ko sa personal nurse namin bago siya tuluyang umalis.
Sa edad na kinse ay halos labing-isang taon doon ay ang pamamalagi ko sa hospital. Kung ang ilang kabataan ay paaralan ang pangalawang tahanan, ako naman ay hospital ang naging pangalawang tahanan.
Ito na ang ikatlong hospital na nilipatan ko. Ang unang hospital ay ang Saint Luke Hospital, mula apat na taong gulang hanggang sa nag-six ako halos tatlong taon akong namalagi doon. Sunod ang Theresa's Hospital na halos isang taon lang 'ata ang itinagal ko at ito ang Mentis Hospital, ang pinakamatagal magli-limang taon na ako dito.
Iginala ko ang paningin ko sa loob ng aking kwarto hanggang mapa-dako ito sa tabi ng bintana.
"Pst, babae ano ginagawa mo d'yan? "Tanong ko sa babaeng naka-tanaw sa bintana, nagtaka ako ng hindi ito sumagot o lumingon man lang. Kahit tinatamad ay napilitan akong tumayo at tabihan siya.
"Grabe ang tangkad mo naman. "Namamanghang komento ko dahil natatanaw niya ang labas ng bintana, mga kalhating metro pa ang taas ng bintana mula sa ulo ko kaya hindi ko matanaw kung ano ang nasa labas.
"Aray ang kati! "Daing ko at yumuko para kamutin ang paang nangangati. Napakunot na lang ang noo ko ng maalalang hindi ko nga pala magagawa ang pagkakamot ng paa. Napatingin na lang ako sa paa ng katabi ko.
"Wala kang paa? "Nagtatakang tanong ko bago muling tumunghay para makita siya. Halos magulantang ako sa nakikita ko.
"I-ikaw?! "Gulat na sabi ko at napa-upong bigla, umatras ako ng umatras para mapalayo sa kaniya.
"H-huwag kang lalapit. "May pagbabanta sa boses ko habang pinanlilisikan siya ng tingin. Pero hindi siya nakinig lumapit pa rin siya. "Sabing h'wag lalapit eh! "At napa-iyak na lang ako ng tuluyan siyang makalapit sa akin.
Iniwas ko ang mukha ko ng akmang hahawakan niya ito, kita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagngisi niya.
"Malapit na... pinapasundo ka na niya, hahaha! "
Nangilabot ako dahil sa mga sinabi niya pero masnangilabot ako sa pagtawa niya.
"Maghanda ka na. "
"Tulong! Nurse Anne! Doc Sanchez! Tulong! "Sigaw ko at nagpumiglas sa hawak niya.
"Mamamatay ka! "
"Lou! Lou! "Napatingin ako sa humawak sa'kin.
"Doc, nand'yan na naman siya! "Sumbong ko at nginuso ang kaninang kaharap ko. Teka, wala siya?
"Na saan ka? Magpakita ka! "Sigaw ko at tumayo mula sa pagkaka-upo ko. Mangiyak-ngiyak akong na patingin kay doc.
"Lou... "Sambit nito na halos pabulong na lang at nilapitan ako bago niyakap.
"Doc Khael, nandito talaga siya. "
"Sige umupo muna tayo bago mo ikwento. "Nakangiting sabi niya kaya gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Umupo kami bago ko ikwento ang lahat at ang mga sinabi sa akin nung babae. Tumango-tango ito, natutuwa talaga ako kay Khael dahil naiintindihan niya ako.
"Pwede mo ba siyang ilarawan? "Hindi ko alam pero bigla akong naiiyak tuwing naalala ko ang itsura nung babae.
"M-matangkad siya... "Tinignan ko si Doc na tumatango lang sa akin, tumingin ako sa kawalan at pinagpatuloy ang paglalarawan. "... may mahabang gulo-gulong buhok, ma-maputlang balat, duguan at puro saksak, at parang galing sa hukay dahil sa maputik niyang katawan. "

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryMga kwentong gawa-gawa ni author at ang iba ay real life stories... Puro ka-dramahan at kakatawanan samahan na din ng katatakutan. Hindi mahilig sa romance si author eh. Also follow my other stories... Love yah my REDeras and REDeros! •-• Aishite...