Pagsubok sa Gitna ng Pagsubok

25 5 0
                                    

Dedicated to: caelesti_ali



Pagsubok sa Gitna ng Pagsubok
By: redeyes24

"L-lola, bakit ang tagal ni lolo bumalik? "Kinakabang tanong ko rito. Bahagya itong ngumiti.

"Baka na hihirapan sa paglalakad ang lolo niyo. Ang lakas kasi ng ulan eh. "

Tinanguan ko na lang ito at sumilip na lang din sa bintana ng barong-barong naming bahay.

Lumipas ang ilang oras at gabi na. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko ng magsimulang bumayo ng malakas ang bagyo at kita mula sa bintana ang malalaking patak ng ulan na sinamahan pa ng malakas na hangin at nililipad na mga kung anu-ano.

"A-ate hutom na ako. "Napatingin ako sa kapatid kong apat na taong gulang na hawak ang t'yan at namimilipit na.

Kinuha ko naman ang tinapay na dapat na sa akin.

"Oh, ito kainin mo na. "Nag-aalinlangan pa itong kunin ang tinapay kaya nginitian ko na lang ito.

"Ako rin ate Nao gutom na rin. "Nakangusong sabi naman ni Can na pitong taong gulang na. Napatawa na lang ako dahil sa ka-cute-an nito at hinati ang tinapay para sa kanilang dalawa. Agad naman nila itong kinain.

Ilang araw na kaming ganito. Halos dalawa o tatlong linggo na rin, ewan hindi ko na alam.

Dahil sa covid 19 ay na lockdown kami at ni singkong duling ay wala kaming natanggap sa mga opisyales. Kinayod na niyog na lang ang kinakain naming tatlong magkakapatid at ng lolo't lola namin. Hindi naman makapagpadala si mama mula sa abroad dahil tulad namin ay na lockdown din siya doon at wala ng natira sa ipon niya.

Kung hindi pa na aawa ang mga kalapit naming bahay ay hindi kami makakakain ng tinapay.

"Nag-aalala na ako sa lolo mo. Kung na bigyan lang sana tayo ng ayuda hindi lalabas ang lolo mo sa kalagitnaan ng malakas na bagyo. At anong dahilan nila? Dahil na sa abroad ang mama mo? Ha! Kung alam lang nila na wala na ring makain ang nanay mo doon at tayong niyog at panis na pagkaing nalilimos diyan ay hindi tayo makakakain! Kung hindi lang dahil sa mga tulad nilang sakim sa pera na kahit may naaapakan na silang iba ay patuloy pa rin sila ay hindi tayo nahihirapan ng ganito. "At parang tinarak ng ilang libong kutsilyo ang puso ko ng makitang na iyak ang lola ko. Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdamang may kung anong tumulo sa pisngi ko. Na iyak na pala ako.

"L-lola. "Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

"Oh, b-bakit apo? Gutom ka na? Te-teka lalabas din si lola para mahanap kayo ng makakain. "At dali-dali itong lumabas.

T-teka, la-lalabas?

"L-lola! Bawal po kayong lumabas! "Nagpalingon-lingon ako pero huli na. Hindi ko na matanaw si lola. L-lola...

Napakawalang kwenta kong apo! Pinabayaan ko ang lola ko na lumabas sa gitna ng malakas na ulan at ng pandemic na ito.

"A-ate! Si Ayi, umiiyak! "Na patingin ako kay Canani at nakitang umiiyak na rin ito. Kahit gusto kong hanapin sina lolo't lola ay kailangan ko ring tignan ang dalawang nakakabata kong kapatid.

"B-bakit? "Hinahapong tanong ko ng makapasok sa loob ng bahay.

"Natatakot daw po siya. "Sabi nito habang nakahawak sa laylayan ng damit ko.

"Magpalit ka na do'n, ako na munang bahala dito. "Bahagya itong tumango at nakayukong pumunta sa kwarto.

"Bakit umiiyak ang baby Ayi namin? "Nakangiting tanong ko matapos mapahid ang luha ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon