FriENDs
By:redeyes24"Anak, alis na ko ha? "Tumango na lang ako at tinignan si mama na papaalis na ng bahay.
Nanonood lang ako ng TV maghapon.
Umiiyak na naman ako, ang drama kasi ng pinapanood ko."Come on vamonos... "
Hindi pala, sadyang malungkot lang ako.
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko ng mabasag 'yon."Tao po! Tao po! "Sigaw galing sa labas. Tinignan ko ang binato nila. Mga kabataan nga naman.
Pinulot ko yung bato na nakabalot sa papel. Binuksan ko iyon at binasa.
'Hi! Can you be FRIEND! '
Napangiti na lang ako ng mapakla at dahan-dahan na lumapit sa bintana.
Kumaway ako sa kanila. Kumaway sila at sinenyasan ako na para bang gusto nilang bumaba ako. Tumango ako at naglakad sa pintuan at pinihit ng dahan-dahan ang doorknob.
"Hi! "Masiglang bati nila sa'kin. Ngumiti ako at kumaway. Nagtatakang nagkatinginan sila at tumango bago ngumiti...nakakakilabot ang ngiti nila.
"Ang ganda naman ng stuffed toy mo. "Ngumiti ako at ipinakita ang pink kong teddy bear.
"S-siya shi finky. "Mas ngumiti ako ng makitang ngumiti sila.
"Ang cute naman niya. Pwedeng pahiram. "Tumango ako at inabot sa kanila si Pinky.
"Hahaha ito o, Troy, salo. "Natigilan ako ng pagpasapasahan nila ang laruan ko.
"Habol! "Takbo lang ako ng takbo para lang makuha ang nag iisa kong laruan.
Natigilan ako ng makitang unti-unti itong napupunit pinaghila-hilahan siya!
"Hala na sira! Sorry friend! "At tumawa sila ng nakakaloko. Hinabol ko sila at ng mahigit ko sa damit ang isa sa kanila ay hindi sinasadyang nasira ang damit nito.
"Aba't ang lakas ng loob mong sirain ang damit ko ha! "At sinimulan na nilang tadyakan, suntukin, at sabunutan ako.
"Hi-hindi ak-ako mak-hinga. "Nahihirapan kong saad at napatingin sa laruan ko.
"Tara na nga! Wala naman yang kwenta kalaro. "At iniwan nila ako.
Ito ang kauna-unahan kong lumabas ng bahay, ang kauna-unahang beses na sinaway ko ang magulang ko. Ang kauna-unahang beses kong maging masaya dahil nagkaroon ako ng totoong kaibigan at ang kauna-unahang beses ng masaktan ako ng ganito. Siguro tama nga sila na dapat hindi na ako lumabas ng bahay, totoo ngang mapanghusga silang lahat.
Unti-unting pumatak ang luha ko at pilit inabot ang nag-iisa kong karamay, ang laruan ko.It was my first time to have friends but it was my first time to leave hanging alone. Maybe friends will end as if you just spell it, F-R-I-E-N-D, at first you feel happy but in just a split of second it will end.
I'm Brenda and I'm 14 years old and now before my life ends I feel complete having FRIENDS.
----thE enD---
Friends
By:redeyes24"Hindi lahat ng kaibigan totoo sayo, sadyang may gusto lang makipagkaibigan sayo para pagkatuwaan ka at gawing laro ang kundisyon mo. "
Can anyone guess kung anong sakit ni Brenda?
•-•Aishiteru^\\\^

BINABASA MO ANG
One Shot Stories
ContoMga kwentong gawa-gawa ni author at ang iba ay real life stories... Puro ka-dramahan at kakatawanan samahan na din ng katatakutan. Hindi mahilig sa romance si author eh. Also follow my other stories... Love yah my REDeras and REDeros! •-• Aishite...