11 //

741 14 2
                                    

Dylan POV

"Sara." 

Tulala siya, Ano nanaman naiisip neto?

"Uy, Sara!"

"Ay, Oh?"

"San mo gusto pumunta?"

Okay tutal wala rin kaming gagawin dito sa bahay. Kailangan namin gumala. Ayoko pa nga sya umuwi kasi gusto ko pa siya makasama. Hindi ko alam kung bakit basta may something.

"Ikaw bahala."

"Mall?"

"Ano gagawin natin dun?"

"Eh, Park?"

"Wag dun!"

"EK?"

"Wehh."

"Ano EK tayo?"

"Tara!! Alam mo ba hindi pa ako nakakapunta dun."

"O tara na, sumakay ka na."

Bigla siyang naging hyper, nung nalaman niyang Enchanted Kingdom. Masyado syang naging masaya, halata naman. Eto yung side na hindi ko pa nakikita.

"Uy dylan nakikinig ka ba?!"

"Oo..."

Kanina pa siya nagkwekwento tungkol sa Star City kasi yun palang daw napupuntahan niya ng Mama niya. Puro mama nya nakikwento nya.

"Dylan, Maganda ba sa EK?"

"Oo naman."

"Ano itsura?"

"Parang kingdom. Nandun si Wizard."

"Talagaaa. Tingin mo nandun sya?"

"Oo, Siya sasalubong satin."

"Papicture tayo haaa! Ay, Wala akong camera eh."

"Cellphone ko nalang."

"Dylan, May stuff toy ba dun?"

"Oo naman. EK nga Sara eh, Malamang meron."

"Ohhh. Tingin mo may Panda dun?"

"Oo, Meron yan."

"Ibili mo ko ha!!! Ay, Bilin mo muna tapos babayaran ko nalang pagkauwi. Wala kasi ako pera, Biglaan ka nman kasi nag aya." ^____^--v

"Oo na. Sagot ko naman talaga lahat e."

SEE? Kung gaano siya kasaya. Pero masarap pla sa loob na may napapasaya ka. Pero kailangan ko rin iwan 'tong si sara, next next month. Paiinlovein ko lang naman siya..

Kanina pa kami sumasakay sa kung ano anong rides dito, ang dami niyang gustong sakyan eh. Buti nalang ride all you can 'to.

"Hi Miss." May parang jejemon na lalaki lumapit kay Sara.

"WHO U?" Sira ulo rin tong si Sara e.

"Gusto mo ba sumama samin? HE HE" 

"Eww" Hinatak sya nung lalaki.

"Ayaw nga nya sumama sainyo diba?" 

"Bakit ano mo ba yang si Miss?"

"Boyfriend! Bakit? Ano papalag ka?"

Tumakbo na palayo ung lalaki. Putangina talaga nun, Nanghahatak nalang ng kung sino sino eh.

"Dylan! Dyan tayo oh, Please. Magwiwish ako sa taas."

"Oo na."

"Ay ang haba ng pila."

"Teka."

"Huy cutting yon ah! Paano mo nagawa yun?"

"Basta."

Nakasakay na kami, lagi sya nagkwekwento.

"Alam mo ba dylan, pangako kase ni Mama na dalin ako sa ganito."

"Ba't hindi natuloy?"

"Sumakabilang bahay nga sya dibaaaa."

"Ay..Pero natupad ko naman broken promise nya diba?"

"Oo, Kaya thank you dylan. :)"

"Yan mlapit na tayo sa taas."

"Ano ba iwiwish mo Sara?"

"Na may dumating na tao sakin, yung papasayahin ako at hindi ako iiwan."

tapos pumikit na sya. ayun pababa na kami

Hindi ako nagwish, I don't really believe sa mga ganyan.

Nakatulog na siya sa kotse. Pagod na pagod siya oh.

Napakamasayahin pala niya, ngayon ko siya nakita ngumiti ng sobra. Yakap yakap niya ung panda na stuff toy, ang laki laki nga e pero mas pinili nyang yakapin nalang. 

May pagkaisip bata rin pala siya. Eto ba nagagawa ng EK?

Binulungan kase ako ni Mama na dalin ko daw sa EK, Eto pala effect. Wow.

Bumusina na ako sa harap ng bahay nila. Si Carlo, Ah oo Carlo nga pangalan. Yung bakla nyang kapatid.

"Ah, Galing kasi kmi sa EK. Nakatulog siya pagod na pagod eh."

"Talagaaa dinala mo siya sa EK? Panigurado ang saya saya nyan."

"Oo nga eh."

"Gisingin na natin."

"Ay wag na. Buhatin ko nlang sya sa kwarto nya, pakitanggal nalang nung panda yakap yakap pa nya eh."

Sobrang tulog siya. Etong kwarto nya napaka plain parang di kwarto ng babae.

May computer, tv. ang plain hindi nga talaga sya mahilig sa pang babaeng gamit, walang kadesign design. 

Kakaibang babae ka Sara. Sabay halik. Tulog parin sya, Buti hindi nagising.

She's A RebelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon