Chapter 2. Introduction

2K 42 1
                                    

Dennise’s POV

Andito ako ngayon sa harap ng gate ng ADMU! Excited na ako! First day of School here I come! May makikilala kaya akong bagong kaibigan? Sana naman.

Pumasok na ako sa campus ng ADMU ngunit sa kamalas malasan ay naliligaw pa yata ako. Patay ako neto. First day na first day, late ako. Huhu T^T Hmmm.. Makapagtanong na nga lang. Tama! Ang talino mo talaga Dennise! Haha

“Excuse me po. Pwede magtanong?” sabi ko dun sa babae na naglalakad sa unahan ko.

“Miss, nagtatanong ka na. Atsaka bakit ka nag-eexcuse? Dadaan kaba? Eto oh”, tapos nag give-way pa sya.

Huh? Ano raw?

“Huh? Ano po?” sabi ko dun sa babae.

“Hindi ba dadaan ka? Eto oh, binigyan na kita ng daanan. Pwede ka ng umalis. Tsaka pwede ba nagmamadali ako.”

Ahhh.. Ganun pala yun..  Pero teka? May sinabi ba akong dadaan ako? Pambihira naman oh.

“Ahh hindi  po ako dadaan, magtatanong lang po sana ako. Saan po ba yung Science at Technology na building?” tanong ko dito.

May sayad siguro to eh. Pano, samaan daw ba ako ng tingin. Ano nanaman ginawa ko? Nagtatanong lang naman ako ah. Tsaka ang ganda ng pagkakatanong ko no.

“Miss! Hello! Hindi ka ba marunong magbasa?” sabi niya sakin tsaka tinuro yung pangalan ng building na nasa likod niya. It means sa harap ko.

Science and Technology Building

Napa-facepalm naman ako. Anebeyen. Nakakahiya.

“Ah eh. Hehe. Una na po ako!” sabi ko tsaka tumakbo na ako. Feeling ko pulang pula na ako  dahil sa kahihiyan. Ano ba yan Dennise antanga mo naman!

Dumeretso nalang ako sa room namin at talagang late na ako. Mabuti nalang nauna ako ng ilang seconds sa Prof naming, kung hindi , talagang nakakahiya.

At dahil nga first day of school, as usual nag introduce yourself kami.

Dahil nga nalate ako, wala ng ibang bakanteng upuan kundi ang dalawa sa unahan at sa kasamaang palad akin yung isa, bale nasa dulo ako sa may bintana kaya ako ang pinaka-unang tumayo.

“Hi! I’m Dennise Michelle Lazaro. Please to meet you.” sabi ko sabay tingin sa baba. Nahihiya kasi ako ano ba yan.

“Wow ang cute mo naman!” sabi nung nasa likod ko sabay kindat. “Oo nga. Pwedeng magpakilala? Hahaha” sabi naman ng katabi niya.

Mysteriously Hidden (ft.AlyDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon