Chapter 3. Who's who???

1.7K 43 3
                                    

Dennise’s POV

“Den, Den!” sigaw nung katabi ko.

“Ahh—ano yun?” tugon ko dito. Katabi ko pa pala si Jirah nakalimutan ko.

“Uyy ikaw ha! Hindi mo sinabi na kilala mo si Alyssa! Nakakapagtampo naman”, sabi niya with matching arte effects.

“Ehh panu ko sasabihin eh hindi ko nga kilala yan”, bulong ko dito. Baka kasi marinig nung Alyssa daw.

“Ehh? Kumbinsihin moko” sabi niya.

“Aish, hindi ko nga kilala yan”, sabi ko naman.

“Ok. Sabi mo eh”, sagot niya pero nakangisi padin.

Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy yung pagkain ko. Nang matapos kaming kumain ay nagsimula na siyang magkwento. Bale yang apat pala na yan ay Campus Hearthrob, habulin ng babae at lalaki. Grabe, pati babae humahabol.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa mapunta sa personal life namin yung topic namin.

“So, may boyfriend kaba?” tanung niya sakin kaya naman nasamid ako.

*ubo *ubo “Ano bay an Jir! Nakakabigla ka naman!” sabi ko sabay hampas sa balikat neto.

“Aray ha! Makahampas naman parang pumapalo lang ng bola eh. Volleyball player ka ba?” sabi niya sakin.

“Sorry naman, nakakabigla kasi yung tanong mo eh. Oo, nung highschool pa ko naglalaro ako.  Atsaka wala akong boyfriend no!” sabi ko dito.

Tumaas naman yung kilay ni Jirah. Ibig sabihin hindi siya naniniwala. Tsk.

-__-

“Weh?! NBSB ka rin?! Hahah ----- araaaaayy! Den naman!” sabi niya habang hinihimas yung part nung braso niya na hinampas ko ng ubod ng lakas.

“Nagtanong ka pa!” sabi ko sabay irap.

Narinig ko namang tumawa yung chinita sa kabilang table. Magkalapit lang kasi yung table namin kaya sigurado akong narinig nila yun.

“Uyy Dude! May pag-asa ka kay ----” hindi na natapos yung sasabihin ng chinita kasi tinakpan nung matangkad na payat yung bibig niya.

“Wag ka ngang maingay! Baka marinig nila tayo”, bulong nung matangkad.

Bumulong ka pa. Rinig na  rinig kaya! Hahaha.

“Oyy Jirah!” sigaw nung chinita.

“Ano yun?” sagot ni Jirah. Wait – what?! Magkakilala sila?!

Mysteriously Hidden (ft.AlyDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon