Chapter 16. The Plan

1.3K 38 1
                                    

Ella’s POV

“Haaaaayy…” buntong hininga ng katabi ko. Tsk.

Kanina pa kami nandito sa cafeteria kumakain, well, ako lang naman ang kumakain kasi tong kasama ko parang pinag bagsakan ng langit at lupa!!

“Haaaayyy…” sabi na naman niya habang nakatingin parin dun sa tinitingnan niya.

Tiningnan ko rin yung tinitingnan niya. Hmmmm… Hahaha.. Magde-deny pa kasi halata naman.

“Oh besh? Ibibigay ko na ba sayo car ko?” tanung ko sa kanya habang naka-smirk padin.

“Hindi na Besh, mukhang talo nama—hoy! Wag mo sabihing aatras ka sa usapan?!” mataray na sagot niya sakin pagkatapos mahimasmasan.

Pffftt.. Hahahaha.. Napahalakhak nalang ako dun.

“Tinatanong nga kita eh. Hahaha..” sabi ko habang tumatawa padin. Sinamaan naman ako ng tingin ng babae.

Wala naman akong natanggap na response mula sa kanya kaya pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko hanggang sa dumating yung buong grupo kaya naki-join narin sila.

“Hey guys! Kanina pa kayo?” tanong ni Bea.

“Ahh.. Nope! Dito nalang kayo umupo!” sabi ko naman.

Umupo na sila at si Aerieal naman yung umorder para sa kanila. Hahaha.. mga tamad.

Nagkakagulo na sila sa table. Kala mo naman ilang taong di nagkita ‘tong mga ‘to kung magkwentuhan ah! Daig pa yung nangibang bansa! Hahaha…

“Oh Den! Tahimik mo naman!” puna ni ate Jem.

“Hayaan mo yan ate Jem! Kailangan niyan ng time!” sabi ko naman tsaka tumawa.

Lahat naman sila clueless kung ano yung tinatawanan ko kaya ngumuso nalang ako dun sa tinitingnan ni Den kaya napatingin naman silang lahat dun at yung mga mukha nila ganito oh..

Mysteriously Hidden (ft.AlyDen) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon