??? POV:
Nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Agad akong bumangon at nanghilamos nang may kumatok sa aking pintuan.
“Ma’am, mag-ayos na raw po kayo at ngayon po kayo mag-eenroll duon sa bago niyo pong eskwelahan”, sabi nung isa sa katulong naming. Ewan, hindi ko alam pangalan niyan eh.
Hindi nako sumagot at agad ng naligo. Habang naliligo ay napapa-isip ako. Ngayong kolehiyo na ako ay gusto ng aking ama na ako ang mamahala ng aming organisasyon. Tinitimbang ko kung ano ang mapapakinabangan ko kung tatanggapin ko ito at kung ano naman ang mawawala sa akin. I guess I a-accpet ko nalang yung offer. Tutal gusto ko rin naman.
Sa tagal ng pagmumuni ay hindi ko namalayan ang oras. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng simpleng kasuotan at bumaba na upang kumain.
Nakita ko naman na wala ng tao duon sa dining room kaya naman ay umunta akong kusina at binuksan ang ref. Pagkatapos kung kumain ay 9:30 na pala. Tsk. Agad akung nagmadali at sumakay ng aking kotse.
Kainis! Bakit ngayon pa kasi nagkatraffic. Ayan tuloy, pasado alas diyes na nang dumating ako sa campus ng Ateneo. Agad akong bumaba ng aking kotse at tumungo na sa registrar’s office dahil alam ko na mahaba na ang pila dahil magtatanghaling tapat na. Habang naglalakad ako ay may babae na tumatakbo at sa di inaaasahang pangyayari ay nagkabungguan kaming dalawa.
Sa lakas ng pagkakabangga namin ay pareho kaming napaupo. Nako naman! Antanga naman ng taong eto.
“Sorry po! Sorry po nagmamadali po kasi ako!” Sabi niya habang nakayuko.
Hindi naman ako umimik kaya tiningala niya ako.
“Hala may dugo yung ulo mo! Sandali lang!” sabi niya habang nag-papanic.
Kaya naman pala medyo basa yung forehead ko. Nagka-cut pala ako. Pero ang cute niya mag-panic. Mapagtripan nga. >:D
“Tsk”, yun lang ang sabi ko at pinunasan ang dugo mula sa maliit na cut sa noo ko atsaka tumayo.
“Uhmm”, sabi niya na para bang nahihiya. Hahaha Ang cute lang este ang sarap pagtripan eh. Masubukan nga yung taong to.
Napasulyap ako dun sa ID niya. Ang Adik naman neto mag-eenroll tapos may I.D. na nakasabit sa leeg. Haha Parang elementary lang eh. May name tag eh. -__-
(Sus! Nacute-an ka lang eh!) Hindi Author no! Issue ka nanaman?
(Eh bat kanina ka pa tawa ng tawa? Ikaw ha.) Bakit, masama na bang tumawa Author? Alis ka na nga pagtitripan ko pa to eh!
Nagbalik naman ako sa realidad nung magsalita siya. Hmmm.. Lazaro pala ang isang to.
“Ano, sorry nga pa—“, hindi ko na siya pinatapos dahil bigla nalang akong tumalikod at naglakad paalayo. Ahaha ang bastos ko naman yata?
“Bahala ka diyan! Sungit! Bleeh”, narinig kong sigaw niya atsaka naglakad narin papalayo.
Hahaha. Ang cute niya talaga. Teka lang! Ba’t ba ako naku-cute-an sa taong yan?!
“Pag mambubunggo ka ng tao, piliin mo naman Ms. Lazaro, baka magsisi ka sa huli”, sabi ko ng naka-smirk. Hahaha.
Natigilan naman siya sa sinabi ko kaya naglakad nako papalayo.
Pagkatapos noon ay pumunta na akong registrar’s office. Siguro nga hindi na masama ang araw nato.
_______________________________________________________
Hello po! May nagbabasa po ba neto? Comment at vote po kayo kung nagustuhan niyo!
![](https://img.wattpad.com/cover/27230288-288-k820779.jpg)
BINABASA MO ANG
Mysteriously Hidden (ft.AlyDen)
FanficAlyssa is just your normal girl with some secrets but what if this secret is a dark secret? Well I don't mean like it's bad or something. It's dark because it's a secret that a normal girl at her age would never have. Naguguluhan na ba kayo? Ako rin...