Prologue

190 63 8
                                    



TAKOT ang makikita sa mukha niya habang nakatingin sa lalaking sinusumpa niya. Nanlilisik ang mga mata na parang handa na itong saktan siya mapapisikal man o emosyonal, habang yakap-yakap ang sarili at ang mata'y umiiyak pilit niyang nilalaban ng tingin ang lalaking nasa harapan niya...




"Maghubad ka sabii!!" Sigaw ng lalaking na sa harapan niya habang paulit-ulit siya nitong pinagsasampal at sinasabunutan. Pilit niyang iniinda ang sakit wag lang mangyari ang nais ng lalaking naghuhurumantido na ngayon ang mukha sa galit. Mga luha man ay patuloy pa ring umaagos nilakasan pa rin niya ang loob niya na magsalita.




"H-Hayopp k-ka!! B-Bita-w-wan mo a-akoo!" Walang lakas man ay pinaghahampas niya ang mukha ng lalaki, na siya ring nagbigay kalayaan upang makuha nito ang kanyang mga kamay mula sa pagkakayakap sa kanyang sarili. Walang anu-ano na hinubadan siya nito at pinaghahalikan ang leeg niya, para itong isang asong nauulol na sabik na sabik sa bagong matitikmang putahe. Habang siya ay walang nagawa kung hindi ang umiyak lang nang umiyak.




Gustohin man niyang protektahan ang sarili niya ay wala na siyang magagawa lalo't wala na siyang natitirang lakas pa. Pagkatapos siyang angkinin sa loob ng isang oras ay agad din siyang pinakawalan at inutusan pa itong magbihis na parang wala lang, na parang wala lang nangyare.




Sakit ang nararamdaman niya sa ibabang parte ng pagkababae niya, iyak lang ito nang iyak, walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Napatingin ulit ito sa lalaking nasa harapan niya kung saan naka suot na ito ng damit at handa nang umalis ng bigla itong magsalita na ikinagulat niya..




"Bukas gawin ulit natin ito nak ah! Dahil kung hindi baka mga kapatid mo naman ang isusunod ko," Nakangiting sabi nito sa kanya at akmang aalis na ng biglang siyang magsalita.




"Hahayaan k-kitang galawin a-ako, b-basta wag mo lang g-gagal-lawin ang mga k-kapatid k-ko," Walang buhay na sabi niya, napangiti naman ang lalake sa kanya at akmang aalis na ulit ng magsalita ulit siya..




"Pero mag-ingat ka Pa, baka ito na pala ang huling araw mo," Banta nito sa lalaking nasa harapan pa rin niya at bigla nalang niyang nalasahan ang kanyang pulang likido ng sinuntok siya nito, pero imbes na sakit ang maramdaman niya, mas nag-uumapaw na ngayon ang galit niya, galit para sa kanyang amang binaboy siya.




Tiningnan niya lang ito na parang hindi na ito takot sa kung ano man ulit ang mangyari sa kanya at tsaka niya dinuraan at namalayan nalang niyang nakahiga na siya sa sahig walang saplot pa rin.




"Walang modo. Bwisett!" Tsaka nito sinara ang pintuan ng pagkalakas-lakas habang siya'y nanatili paring nakahiga sa sahig, nag-iisip kung paano niya papatayin ang ama niyang masahol pa sa hayop.





"Hindi ka pa nabubuhay noon, ay nakahanda na ang magiging kamatayan mo ngayon."

Burning Heart & SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon