MAHIGIT sampung araw na rin simula ng nangyari ang ganung insidente at nailibing na nga rin ang mga kapatid nito. Ngunit si Ashies ay balisa pa rin hanggang ngayon. Hindi ito kumakain, naliligo at natutulog man lang. Buong araw itong dilat habang patuloy lang ang pag agos ng mga luha nito.Awang-awa na ang mga taong nakakakita sa kanya sa ganyang klaseng kalagayan, pero walang pake si Ashies sa kung ano man ang sabihin ng mga taong nakakakita sa kanya.
Ayaw niya sanang maniwala na patay na ang mga kapatid nito ngunit ng may natagpuang bangkay na malapit sa kanilang kusina na halos hindi na maipinta ang mga mukha doon na siya napaniwala. Sunog na sunog ang buong katawan ng mga kapatid nito, na kahit hawakan mo man lang ay parang malalagas na ito.
"Iha, nakikiramay ako sa pagkawala ng mga kapatid mo. Magpakatatag ka iha, mahahanap din ng mga pulis kung sino ang gumawa nito sa inyo." Sabi nang ale sa kanya at masuyong hinawakan pa siya nito sa balikat niya.
'Hindi na kailangan pang hanapin kung sino ang gumawa nito. Dahil alam ko na at kong sino rin siya.'
Nanatili itong nakaupo sa labas ng kanilang bahay kahit na hindi pa rin iyon naaayos. Pinagtulungan pa nang mga kapitbahay nito na gawan siya ng isang maliit na bahay kubo para kahit papaano ay may masilungan man lang siya.
Tatayo sana ito para salubungin si Peleng ng makita niya ito, ngunit sininyasan na siya nito na umupo na lang. Seryoso ang mukha ni Peleng, malayo sa mukha na nakita nito noon. Hindi man lang ito bumati o ngumiti sa kanya at basta nalang itong umupo sa tabi niya.
"P-Paano mo nalaman na dito ako n-nakatira?" Basag niya sa katahimikan.
"Sa wakas, nagsalita kana rin, nalaman ko iyon dahil napanood kita sa tv," Nagbuntong-hininga pa ito tsaka siya tiningnan ng seryoso. "Kumusta ka? Okay ka pa ba? Pasensya at ngayon lang ako nakadalaw ah," Saad ni Peleng na siyang nagpangiti sa kanya, pero napawi agad iyon nang maalala na naman niya ang mga kapatid nito.
"To b-be honest, I'm not really o-okay Peleng. H-hindi pa rin ako makapag move on d-dahil sa nangyari sa mga kapatid ko," Nakikinig lang sa kanya si Peleng at nang makita nito ang mga luha niya, kinuha agad nito ang panyo na nasa bulsa pa at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha niya.
"Peleng, ang sakit-sakit pa rin hanggang ngayon. Hindi k-ko na nga a-alam kong kaya ko pa ba na ipagpatuloy ang buhay ko, dahil sa totoo lang Peleng, sila ang buhay ko," Niyakap nalang siya ni Peleng habang sinusuklay nito ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. Napangiti ito ng lihim dahil kahit papaano ay nabawasan ng kunti ang kirot na nararamdaman niya.
"Ang tigas ng buhok mo ghorl, kailan ba ang huling ligo mo ah?" Pabirong sabi ni Peleng sa kanya para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito.
Mahina niyang hinampas ang dibdib ni Peleng at kapagkuwan tumawa ito. "Sira. Syempre matagal na rin, sayo ba naman mangyari iyon sa tingin mo may lakas ka pang maligo?"
"Hindi naman mabiro ito," Ngumiti si Peleng sa kanya at niyakap ulit siya nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ng may maalala siya.
"Akala ko ba hindi tayo talo? Eh, bat nangyayakap ka? At wag mo nang gawing palusot na dinadamayan mo lang ako ulol," Pagkasabi nito yumakap ulit siya at naramdaman nalang nitong niyakap din siya pabalik ni Peleng.
"Umayos ka nga Shies, tsaka tumayo na tayo dahil may pupuntahan pa tayo," Napatingin agad ito kay Peleng at tatayo na sana ito ngunit mabilis na hinawakan ni Peleng ang mga kamay niya para alalayan siya. Napangiti siya ng makitang nakahawak kamay pa rin sila pero ng makita iyon ni Peleng agad din niya itong binitawan at napakamot kamot pa sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
Burning Heart & Soul
ActionShe used to be a good daughter but someone made her change that kind of attitude. She was just 15 years old when her father raped her. Wala itong nagawa dahil masyado pa itong bata at walang lakas kumpara sa ama nito. At the age of 18 kumapit siya s...