Chapter 17

53 45 0
                                    



"PAANO mo nalamang birthday ko ngayon?" Tanong niya rito habang nakahiga na sila sa kama.


Natapos na ang konting celebration para sa birthday niya at ngayon ay nandito na sila sa kwarto nila para magpahinga. Magkatabi silang nakahiga ngayon sa kama dahil kanina pa nagpupumilit si Dein at naiinis na siya kaya pinayagan niya nalang ito.



"Dahil doon sa album, may nakalagay kasi doon sa ibabaw na Happyy Birthday Ash, tapos may date pa," Pagpapaliwanag nito.



Nakaharap sila sa isa't isa at ginawa niyang unan ang braso nito at hinayaan niya lang na haplusin nito ang mahaba niyang buhok.



"Paano naman nalaman ng tatlo?" Inayos niya ang pagkakahiga sa braso nito at dahan-dahang ipinikit ang mata.



"Sinabihan ko syempre," Rinig niyang saad nito.



"K, good night," Iyon nalang ang nasabi niya, matutulog na sana siya ng magsalita na naman ito kaya iminulat niya ang mata at nakinig nalang dito.



"Mamaya na Ashies, may itatanong pa ako eh," Nakangusong saad nito.



"Ano 'yon?" Tanong niya rito, inaantok.



"Paano ka natutong gumamit ng baril Ashies? At paano ka naging ganoon kagaling sa pakikipaglaban?" Hindi niya aakalain na magtatanong ito ng ganoon sa kanya.




Hindi niya alam kong bakit ganito ang nararamdaman niya ngayon, iyong tipong ayaw niya nang magsinungaling kay Dein kaya gusto niya ng sabihin ang totoo.



"Iyon ba? Natuto akong gumamit ng baril because when I was 12 years old my mom trained me sa hindi ko malamang kadahilanan she also enrolled me in Taekwando class kaya mas lalo akong naging bihasa sa pakikipaglaban," Sagot niya rito.



"Anong nangyari sa mama mo kung ganoon?" Nakatingin ito ng seryoso sa kanya.



"Ayun nawala siya na parang bola, nagising nalang ako isang araw na wala na siya sa tabi ko at sabi pa ng papa kong hayop, wala na raw si mommy, nalungkot ako nun, sobra. Iyong tipong gusto mo siyang makita kahit sa huling hantungan man lang pero ayaw kang payagan ng papa mo, sobrang sakit to the point na parang gusto ko nalang din sumunod sa kanya noon," Nang maalala na naman niya iyon ay may isang luhang pumatak sa pisngi niya at bago niya pa mapunasan iyon ay naunahan na siya ni Dein.



"Wag mong pigilan ang luhang gustong kumawala sa kulay asul mong mga mata, pero mabuti nalang talaga at hindi mo ginawa iyon," Saad nito.


Nakipagtitigan muna siya rito bago sumagot.


"Wala eh, naalala ko kasi iyong mga kapatid, nasa isip ko nung mga ganoong oras ay, paano kapatid ko? Sino mag-aalaga sa kanila? Kaya ba nila na wala ako?" Inayos niya ang buhok ng maipit ito sa braso ni Dein na kaagad din naman siyang tinulungan nito.



"Pwede ko bang itanong kung bakit ginahasa ka ng papa mo? If you don't want to answer, it's okay hindi kita pipilitin," Nakangiting tanong pa nito.


"Okay lang, matagal narin naman 'yon eh, ewan ko ba sa hayop na 'yon kung bakit pati ako ay ginanon niya, kung tutuusin kayang-kaya ko siyang patumbahin nung mga araw na iyon pero hindi ko alam kung bakit pinangunahan ako ng kaba, wala akong nagawa noong mga oras na 'yon, awang-awa ako sa sarili ko, binantaan niya pa nga ako dati eh, na kapag hindi ko ulit ipagamit iyong sarili ko sa kanya ay ang mga kapatid ko nalang daw ang isusunod niya, napaka hayop talaga, pero mabuti nalang at namatay rin siya, kaya thank you Jerus ah? Sa pagbibigay kalayaan sa aming lahat," Maluha-luhang saad niya at wala sa sariling niyakap niya ito na kaagad namang tinugunan nito.



Burning Heart & SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon