Chapter 7

74 53 3
                                    



"ANONG pinagsasabi mo gaga? Hindi ako iyon 'nu! Alis na nga tayo!" Sagot ni Peleng sa kanya.

Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa binuhat nito si Charm na iniinda ang sakit mula sa pagkakabaril sa kaliwang binti nito. Napapailing na lumapit siya dito at kinuha niya nalang ang mga gamit nila para makaalis na.


"Nakita mo ba iyong leader nila?" Tanong nito kay Peleng na binubuhat pa rin si Charm.


"Hindi ghorl eh," Sagot nito sa kanya.


Pinauna niya ang mga ito na sumakay sa sasakyan at naghanap ito ng isang lalaking buhay pa para pigain niya na magsalita ito.

Paikot-ikot lang siya ng mamataan niya ang isang lalaki na dahan-dahang umupo kaya patakbo niya itong nilapitan at kwinelyuhan niya agad ito.

Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki kapagkuwan ay pinilit nitong nginitian siya. "Ano? Hindi niyo nakita ang boss namin 'nu? Asa kapang makikita mo siya," Sinampal niya kaagad ito ng dalawang beses.


"Nasaan siya?! Sagutin mo akoo!!" Nanggigigil na ito kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakakwelyo sa lalaki hanggang sa masakal na ito.


"S-s-sandali.. wag m-mo akong pa-t-tayin.. sasabihin k-ko n-na kong asan s-siya," Niluwagan niya ang pagkakasakal dito at tiningnan niya ito ng seryoso na siyang nagpakaba sa lalaking kaharap nito.


"A-Andoon siya sa isa pang m-malaking compound malapit sa Barangay Cebanacao. Pero m-mag-ingat ka, dahil m-mas marami pa a-ang mga tauhan niya roon," Tinulak niya ito tsaka kinuha ang baril na nasa sahig at tinutok niya ito sa lalaki na nagmamakaawa pang wag siya patayin, pero walang nagawa ang pagmamakaawa nito nang pinagbabaril siya ni Ashies.


"Hindi nga kayo naawa nang pinatay niyo ang mga kapatid ko, sa tingin mo maaawa pa ako sa mga katulad niyo? Bobong nilalang." Saad nito at tsaka binitiwan na ang hawak nitong baril at agad na lumapit kay Peleng na kanina pa siya tinatawag.


***

Buong byahe ay wala silang imik hanggang sa makarating na ang mga ito sa bahay ni Peleng, binuhat na naman ni Peleng si Charm na ngayon ay hinang hina na dahil masyado ng maraming dugo ang nawalan sa kanya.

Umakyat sila sa itaas at pumunta sa pinakadulong kwarto at nagulat nalang siya ng makitang kompleto ang mga gamit nito, mapa baril, espada, pana at iba pang klaseng pwedeng gamitin para makapatay.

Agad na inilapag ni Peleng si Charm sa isang malambot na kama at pumunta ito sa CR at pagkabalik nito ay may mga hawak na itong first aid kit. Sinimulan na ni Peleng na tanggalin ang bala sa kaliwang binti ni Charm at nang matanggal niya ito, nawalan nang malay si Charm na ikinagulat pa niya.

"Wag kang mag-alala ghorl! Okay lang ang gagang iyan," Sabi ni Peleng ng nahalataan siguro nito na nagulat siya, tinapik siya ni Peleng sa kanang balikat niya at nginitian siya nito. "Baba muna tayo ghorl, maya-maya magigising din iyan,"


Nang makababa sila umupo ito sa sofa at maya-maya lang may binigyan siya ni Peleng ng isang basong gatas, ngumiti ito at tinanggap na rin tsaka inubos ito. Pinunasan niya ang gilid ng labi niya at tumingin kay Peleng na nakatayo sa harapan niya at seryoso ang mukha.


"Bakit ganyan ka makatingin? At hindi ako magsosorry dahil sa mga nangyari, dahil una palang hindi ko kayo pinilit na sumama kayo mismo ang kusa na sumama sa akin. Pero magpapasalat pa rin ako dahil kahit papaano ay naging madali ang misyon ko," Seryosong sabi niya kay Peleng na ngayon ay umupo na rin sa harapan niya.


Burning Heart & SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon