Chapter 15

62 50 0
                                    



"BAKIT ka umiiyak? Tears of joy ganoon na iisa lang pala ang babaeng iniibig mo?" Tanong niya kay Dein na bakas parin ang pagkabigla at ang pag iyak nito.


"Hindi sa ganoon, pero oo slight," Lumabas nalang siya sa kwarto ng kapatid niya na kaagad din naman siyang sinundan nito.


"Ashies! Wait!" Napatigil siya ng may kamay na humawak sa balikat niya.


"Get off your filthy hands on me young man," Nang maramdaman niyang hindi na nakahawak ang kamay nito sa balikat niya ay umalis na siya ngunit nasa likuran niya parin ang ito.


Pumasok siya sa kwarto nila at umupo sa pansamantalang kama na hinihigaan niya, pumasok din ito at naupo rin sa couch na kung saan kaharap niya lang.


"Ashies, oy! Pansinin mo ako!" Pagmamaktol nito.


Pinipigilan niyang ngumiti dahil sa nakabusangot na mukha nito. Nang makita niya kanina na nakaupo si Ahyan sa hita nito ay hindi niya alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam niyang makita ang dalawa na magkasama. Hindi niya napansin na napangiti na pala siya ng tuluyan kung hindi pa nagsalita si Dein.


"You're smiling, may i know why? I don't want to assume again pero ako ba ang dahilan ng pagngiti mo?" Seneryoso niya ang mukha at taas noo na tumingin dito.


"Stop assuming Jerus, ang pagngiti ko ay walang dahilan, kung ikaw lang din naman ang ngingitian ko mas mabuting wag nalang," Saad niya habang nakatingin ng sobrang lalim kay Dein.


"Hindi ko alam kung bakit imbes na masaktan ako ay bakit mas nasisiyahan pa yata ako? Sige, tawagin mo na akong martyr pero itong lalaking 'to ay hinding-hindi susuko sa'yo," Seryong saad din nito habang nakatingin din sa kulay asul na mata niya.


"Edewow! Umalis ka nga rito, matutulog ako," Pagtataboy niya rito.


Pero imbes na umalis ay lumapit pa ito sa kanya at walang sabi-sabing humiga sa tabi niya.


"Ulol ka Jerus! Umalis ka nga rito," Sinipa niya pa ito pero hindi talaga ito umalis.


"Pahiga lang eh, kahit isang oras lang, na miss ko ring humiga sa kama ko eh," Saad nito habang nakadapa pa.


"Uloll! Gusto mo lang maamoy 'yong hinihigaan ko eh, kunwari ka pa," Umirap pa siya kahit na hindi naman siya makikita nito.


"Isa narin 'yon sa dahilan, pero gusto ko talagang magpahinga, pero kung ayaw mo, sige aalis na lang ako," Tatayo na sana ito pero bigla niyang pinigilan at hindi niya alam kung bakit imbes na unan ang ipagamit niya rito ay bakit sa hita niya ito pinahiga.


"A-Ashies, okay lang ba sa'yo 'to? Kung ayaw mo aalis talaga ako, hindi mo naman kailangan gawin ito," Bakas ang hiya sa boses nito.


"Tss. Pahinga kana, gigisingin nalang kita mamaya," Saad niya at wala sa sariling inilagay ang kamay niya sa ulo nito at masuyong pinalandas ang mga daliri niya sa malambot na buhok nito.


"Salamat," Hindi nalang siya nagsalita at pinagpatuloy nalang ang ginagawa niya.


Inaayos niya ang buhok nito at ganoon nalang ang gulat niya ng dumapa ito pahiga habang nakaunan parin sa dalawang hita niya at agad na iniyakap ang kamay nito sa beywang niya. Tatanggalin niya sana ito ngunit ng marinig niya ang hilik nito ay hinayaan niya nalang. Maya-maya lang ay napahiga nalang din siya dahil sa pagod at hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.


***

"Peleng, come here bilis, may ipapakita ako sa'yo, hihi," Nagseselpon siya ng tinawag siya ni Charmiee na nagmamadali pa.


Burning Heart & SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon