Chapter 16

59 48 0
                                    



NANDITO sila ngayon sa Doctors Hospital para bisitahin ang magulang ni Charmiee. Agad silang nagtanong kung nasaan ang kwarto ng magulang nito at pinuntahan kaagad nila iyon.


"Okay lang po ba sila mommy and daddy?" Tanong ni Charmiee ng makapasok sila sa kwarto nito na kasulukuyan naman na tinitingnan ito ng isang Doctor.



"Anak po ako nila," Saad nito ng makitang nagtataka ang Doctor.



"For now iha, okay naman sila, it's good thing na bago sumabog ang kotse niyo ay nakatalon na sila, kunting galos lang ang natamo nila pero kailangan parin nilang mag pa x-ray para malaman kung may mga nabali bang buto sa kanila," Pagpapaliwanag ng Doctor sa kay Charmiee na kaagad namang nakahinga ng maayos.



"Thanks God, thank you so much Doc," Maluhang-luhang sabi nito.



"You're welcome iha, sige na, maiiwan ko muna kayo," Saad ng Doctor bago umalis kasama ang dalawang assistants nito.



"Both of your parents are okay now Charmiee and i guess it's time to celebrate," Sulpot ni Arla na may ngiti sa labi.



"Gusto ko 'yan, then you should go, buy everything you want that we can eat but no alcoholic drinks please, hihi," Tumatawang saad ngayon ni Charmiee.



Nakikinig lang siya sa tatlo ng lumapit si Dein sa kanya at binunggo pa siya nito ng mahina. Tumingin siya ng may pagtataka rito at inis na nagtanong.



"Ano?" Saad niya.



"May misyon ako, wanna join?" Pasimple niyang tiningnan ang tatlo na masayang nagkwekwentuhan kaya siniko niya ito bilang pagsang-ayon.



"Sure, let's go," Bulong niya rito.



"Bumalik muna tayo sa bahay, I didn't bring our guns," Lumapit pa ito ng husto sa kanya at bumulong din sa tainga niya dahilan para tumaas ang balahibo niya ng maramdamang dumampi ang labi nito sa likod ng tainga niya.



"Sige, lumabas kana, ako na bahalang magpaalam sa tatlong ito," Napapalunok pang saad niya.


Tumingin ulit siya sa tatlo at mabuti nalang ay hindi sila napaghahalataan na nag-uusap.


"Antayin nalang kita sa kotse," Tumango nalang siya.



Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito dahilan para mapabaling ang atensyon ng tatlo sa kanya.



"Saan pupunta iyon?" Takang tanong ni Peleng ng makitang lumabas si Dein ng kwarto.



"Siya ba iyong bibili ng pagkain natin?" Nagtatakang tanong din ni Arla.


"Outside, btw aalis kami ngayon baka matagalan pa kaming makabalik," Iyon nalang ang nasabi niya.



"Hmmm, saan naman kayo pupunta aber?" Nakakalokong tanong ulit ni Peleng.



"May date kayo 'nu? Ayieee!" Kinikilig na saad naman ni Charmiee.



"Sa amin na 'yon," Saad niya tsaka umalis na dahil siguradong tatanungin na naman siya ng mga ito.



"Tagal mo ah," Bungad na sabi ni Dein ng makapasok siya ng kotse.


"Wag ka namang magpahalata na namiss mo ako kaagad," Saad niya tsaka nag seatbelt na.

"I'm just asking Ashies," Saad pa nito.



Tiningnan niya lang ito ng naka poker face.


Burning Heart & SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon