2. Of Fireworks And Changes

4.4K 139 73
                                    

"What the hell?!" agad akong hinila ni June nang makalabas kami ng auditorium. Sinasadya ko pa sanang maunang lumabas pero likas na magaling humabol ang kaibigan ko.

Hawak-hawak ang kamay ko ay dinala niya ako sa girls' bathroom. Mabuti nalang ay walang ibang tao dito kundi mas lalong hindi ako magsasalita. "Ano yun, Clem?" Hatalatang nagpipigil siya ng kilig pero ang higpit parin ng hawak sa kamay ko. Parang anytime ay sasaktan niya ako. "Ano?"

She groaned and shook my shoulder, hindi na napigilan ang sarili at napatili. "Paano kayo nagkakilala ni Luke? Akala ko ba wala kang pake? Kung makapang-bash ka pa samin ha." Inirapan niya pa ako. "Wala naman talaga akong pake, mukha parin kayong tanga pag nababaliw kayo sa mga kagaya ni Luke."

Isang hampas naman ang binigay niya sakin pero for the sake of calming her down, I already told her what happened. And as expected ay sunud-sunod nga ang mga tanong niya sakin. Bakit hindi mo sinabi sakin? Hindi ka kinilig? Bakit ang awkward mong hayop ka? Ang swerte mo nakakainis! Hindi ko naman sineryoso yung galit niya kasi in the end ay niyakap naman niya ako. Kasi sa wakas daw ay may nakakakilala na sakin aside from her and sa mga may galit na Prof sakin.

"Parang baliw, Junipher." I rolled my eyes at her.

***

Wala na akong narinig mula kay Luke. And it's not like I'm expecting us to be friends. We just know each other... in fact mas marami pa nga akong alam tungkol sakanya (thanks to his admirers) kesa siya sa akin, ang alam niya lang ay roommate ako ni Lilith at nasa same course kami. See? We're really not friends, not like what June expected us to be. Or that's what I thought...

Kasalukuyan akong nakatambay sa sala namin habang nilalaro si Cosmo at nanonood ng TV nang dumating si Lilith. Agad akong iniwan nung pusa at sinalubong ang may-ari. She picked him up and gave him a kiss pero mukhang gusto na naman nitong makawala. "Hey!" she greeted me.

Kinawayan ko lang siya at pinanood siyang magbukas ng ref para uminom ng tubig. "Hmm. Magkakilala pala kayo ni Luciano."she stated while laughing. Umupo siya sa tabi ko habang dala-dala yung baso niya. Napataas naman ang kilay ko dahil dun. "Uh oo? Nung party mo after Midterms."

She nodded. "Hmm. Sinabi nga niya sakin."

Hindi ko na sinagot dahil wala naman talaga akong maisasagot dun. Tahimik lang kaming nanonood ng TV kaya akala ko wala na yung pinagusapan namin pero may pahabol pa siya. "Aliw na aliw daw siya sayo because you don't act weird around him." Natawa pa ito dahilan para mapatingin ako sakanya. Anong hindi weird? I was hell awkward that time. "You see the guy is not aware that he's you know... famous." she even air quoted the last word.

"Unlike you?" Napangisi ako. Akala ko maiinis siya sakin pero hinawi niya lang ang buhok niya. "I kind of deserve it, you know?" alam kong biro niya lang yun pero mukhang seryoso yung mukha niya.

Sabay lang kaming natawa.

"Pinakain mo na anak ko?" tanong niya sakin habang sabay naming tiningnan si Cosmo na naglalaro sa loob ng box. "Oo tapos na. Kanina pa ako iniistorbo niyan."

Antok na antok pa ako during the first day of Uni Week kasi may hinabol akong term paper for a minor subject the night before kaya naman ay napakabangag ko. Kahit si June ay nag-aalala sa kalutangan ko habang pumipila kami para sa opening parade. Hindi ko talaga gustong sumali pero requirement ang complete attendance sa isang major subject namin kaya no choice ako.

"Kung may kotse lang sana tayo edi sana nasa motorcade tayo at hindi maglalakad. Umagang-umaga palang pinagpapawisan na ako!" reklamo ni June.

"Hindi tayo mayaman, Junipher. Tumigil ka." I sighed as I drank my water. Pero totoo nga naman, masyado nang mainit kahit alas-siyete palang ng umaga. Sunud-sunod pa ang reklamo ni June pero hindi parin nagsisimula ang parade, kung hindi lang talaga naghihingalo ang grades ko sa major ay kanina pa ako umuwi. Pero parang may ginawa kaming mabuti sa past life namin dahil bigla nalang kaming nakita ni Lilith sa dagat ng mga estudiyante at mabilis na nilapitan.

To Meet In The Middle (Meet Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon