I'm not gonna lie.
Nahihirapan na talaga ako. At naninibago. Minsan ay nagkakasabay-sabay yung mga quizzes sa major subjects tas may mga practical works pa sa laboratory. There are times when I just wanna go back to my old ways: to slack off, pero alam kong there's no point anymore. Wala nang panahon para tamarin. Of course, bilang ako naman si Clementine na reklamadora ng taon ay wala atang araw na wala akong rants sa buhay ko. While studying, while reading, even while in classes I keep on murmuring about how all of these sucks. But I get by... mostly with the help of June.
Yes. Hindi man kami laging nagkikita but she always check on me. Parati kaming nagtetext or nagchachat pag may incoming quizzes. Tinutulungan niya rin akong mag-review and sometimes she tutors me. Nahihiya na nga ako minsan kasi parang nagiging pabigat na ako sakanya pero lagi niya lang akong pinapagalitan pag ganun yung iniisip ko.
"Sorry talaga." I frowned before laying on my bed. Agad naman akong pinalo ni June sa braso. "Kanina ka pa nag-sosorry. Okay nga lang diba? Mas okay nga yung inuulit-ulit natin para mas maintindihan mo."
Nasa apartment kami ngayon, dito siya nakikitulog pag late na umuuwi si Lils galing duty. For safety purposes nga ayon sa roommate ko, pero mas tine-take advantage ko siya as free tutoring session with June. Kung pwede lang talaga hiramin yung utak niya sa quiz bukas eh.
"I should've taken this thing seriously before kaya ngayon nahihirapan akong mag-habol." I sighed, eyes still on the ceiling.
Hindi ko man siya tinitingnan ay alam kong nakasimangot ngayon si June. Pinausog niya ako at humiga rin sa tabi ko. I sighed and faced her. "I can't blame you though. Sinabi mo nga sakin dati na wala kang kaalam-alam sa pinasok mo, but at least you're really trying. Hindi madali yung first two years in college Clem but you survived. Marami na nga tayong ka-batch ang natanggal na sa program pero ikaw... andito parin. Don't be too harsh on yourself."
I just gave her a small smile.
Am I really just too hard on myself? June was not the first person to tell me that. Naalala ko din yung sinabi sakin ni Luke. To be honest, hindi ko yun masiyadong dinibdib kasi siya yung unang taong nagsabi nun sakin but now that it's coming from a friend who I consider as a sister ay mas tumatak siya sa isipan ko. I tried remembering if there was ever a time that I was proud of what I achieved... ang lungkot kasi wala ni isang alaala ang pumasok sa isipan ko. Lumaki kasi ako na iniisip na lahat ng ginagawa o nagagawa ko ay laging nasa average range lang... because others can do better than me. Hindi masama ang loob ko dun ha, I was just aware of my place in this world.
Siguro nga ay dapat kong bigyan ng credit ang sarili ko paminsan-minsan.
"Let's sleep?" she asked, looking at me. "Familiar ka na din naman sa topic. I think you're ready for tomorrow's quiz."
"Okay."
I looked at the time and it's almost 11PM.
***
TWO WEEKS LATER.
Okay. Paano ko ba sasabihin 'to? I AM FINALLY DOING WELL IN SCHOOL!
I mean hindi naman yung tipong malalamangan ko na yung mga top ng class ko pero sapat na para ma-commend ni Sir Tony. Can you believe it? Halos lumabas yung puso ko sa dibdb ko nang tinawag ako ni Sir after ng class namin para lang i-praise na improving na yung mga scores ko in his quizzes. Kinabahan ako nun, akala ko may nagawa akong mali, nakakatakot pa naman si Sir. Gusto kong magsaya o kaya ay ibalita sa mga kaibigan ko ang achievement ko kaso ayokong ma-jinx, maybe ay after na ng release ng prelim grades saka ko na sasabihin sakanila.
Sobrang effective talaga nung intervention ni June sakin that night. I don't know how to thank her! Kung hindi dahil sakaniya ay patuloy parin ako sa pagdadalawang-isip sa sarili ko. I am also thankful for Luke and even Jason na kahit hindi namin laging nakakasama ay parati parin akong mino-motivate sa tuwing nagpapalabas ako ng sama ng loob sa group chat. And of course, to my roommate na kahit madalang nalang kaming nagkakaabutan sa apartment ay parati paring tinatanong kung okay lang ba ako.
BINABASA MO ANG
To Meet In The Middle (Meet Series 1)
RomanceI am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love.