Hindi ako makatulog!
Ako ba ang magp-present ng thesis mamaya? Ako ba ang may sasalihang contest? Ako ba yung kalahok? Hindi naman diba? Kaya hindi ko parin maintindihan kung bakit ako yung nakakaramdam ng kaba at ang hindi makatulog ngayon. I stared at the ceiling even more... Hindi nakakatulong!
Anong oras na ba?
I grabbed my phone on the side table to check the time. Shit! Mag-aala una na ng madaling araw at gising na gising parin yung diwa ko. Ito ba talaga ang nangyayari sakin? Sa kagustuhan kong makalimot muna si Luke sa kabang nararamdaman niya ay tila lumipat naman sa akin lahat ng yun. I can't think straight! Sobrang daming pumapasok sa isipan ko! Ugh.
To pass time, I chose to connect to the wifi. Parati ko kasi yung dini-disable before I go to sleep para hindi na ako mag-puyat pa. But I guess today's another story since I need social media in order to sleep... I wasn't expecting to receive a quite number of notifications but one thing that caught my attention was Luke's reply on my IG story. Bahagya akong natawa dun, ang cute lang kasi nung mukha niya nung sinabihan ko siyang kukunan ko siya ng litrato habang naglalakad kami patungong parking lot right after our dinner.
lukemarianojr: i look stipid
lukemarianojr: stupid
Agad naman akong napatawa dahil dun sabay balot ng sarili sa kumot ko. I checked the photo of him that I posted at wala namang mali dun. "Hay nako Luciano..." I murmured.
still fishing for compliments?
Akala ko ay tulog na siya pero bigla nalang nag-online ang kumag. At ngayon ay typing na nga.
"Sinabi nang matulog ng maaga eh..." Before he could even send his reply ay muli na akong nag-send ng mensahe sakaniya.
matulog ka na luciano
Ano ba!!!
lukemarianojr: i was about to
lukemarianojr: chill ma
lukemarianojr: i'm still talking with my parents
Ngayon?
lukemarianojr: yup
lukemarianojr: ikaw? Why are you still awake?
I sighed.
Oo nga naman, Clem. Ba't gising ka pa ha? Anong pinaglalaban ng kabang nararamdaman mo ngayon eh manonood ka lang naman bukas... or mamaya. Damn it, I should really be asleep right now since 8AM yung call time namin sa school. Sabay-sabay kasi kaming mga selected students na pupunta sa event na iyon. I heard na si Sir Tony pa mismo ng makakasama namin papunta dun kaya hindi talaga dapat akong maging bangag bukas... mamaya Clem! Mamaya.
Matutulog na sana ako
lukemarianojr: oh tapos? Bakit ngayon ka pa lang matutulog?
lukemarianojr: ngayon ka lang ba natapos mag-review?
BINABASA MO ANG
To Meet In The Middle (Meet Series 1)
RomanceI am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love.