I tried doing a different writing style kasi medyo fast-paced ang chapter na ito. You'll know what I mean.
And oh, I love you all so much. Thank you for your feedbacks about this story. Writing here became my breather from the madness that we are all in. I hope that this story made you feel better during this difficult time. This too shall pass.
We're down to 10 chapters before the end of TMITM. It has been a crazy ride.
All mistakes are mine. I'm sorry.
I'd like to hear your thoughts. Feel free to talk to me through twitter. Follow me, @writtenbyvam.
***
Dali-dali akong naglalakad pauwi ng apartment dahil sa natanggap na text galing kay Jamie. She was locked out of our place because she forgot to bring her keys when she went out earlier. It's okay, talagang wala naman talaga akong pasok after my Blood Banking class.
From: Jamie V
I'm so sorry, Clem. Hindi sana kita iistorbohin kung sinasagot lang ng may-ari yung tawag ko.It's okay. I'm done with my last class as well. Pauwi na ako.
Thank you so much. Take your time. Okay lang ako dito.
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang magsimula ang pasukan pero hanggang ngayon ay naninibago parin ako sa mga bagay-bagay.
I still can't believe that I am finally a senior! Hindi ko parin ma-grasp ang thought na g-graduate na din ako. I'm not gonna lie, it's not that fun at all. First week palang ay nakaranas na ako ng impyerno. The Profs that were very much lenient (oo, lenient pa pala sila before) became so merciless, even Ms. Sofia! Unang linggo palang ay agad na kaming nag-take ng comprehensive exam sa mga subjects namin last year, it was kind of frustrating because I wasn't prepared at all! Halos buong bakasyon ay nakahilata lang ako sa sofa ng bahay namin o kaya ay bumibisita sa bahay nina Mama. Mabuti nalang at may iilan pa akong topics na naalala at nakasagot din naman kahit papaano. But my scores weren't high, saktong pumasa lang kaya nakakahiya lalo na't ngayong sem ay kaklase ko na pareho sina June at Raven!
Ito nalang ang natitirang positivity sa acads life ko as of now.
Mahirap ding mag-adjust sa fact na hindi na nakatira sina Lilith at Ely sa apartment. Hanggang ngayon ay nami-miss ko parin ang presence nila, paminsan-minsan nga ay nakakalimutan kong wala na sila dun at sumisigaw parin ako ng Lils o di kaya ay Ely. I swear last week lang ay nagmamadali pa akong magbukas ng panghuling cabinet sa kusina dahil mag-aalas tres na ng hapon at hindi ko pa napapakain si Cosmo. Pero wala na palang Cosmo or cat food na naka-stock sa bahay.
Napakahirap mag-adjust, I swear!
Lalo na pag ilang taon kang nasanay na sila yung mga taong kasama mo. But thankfully, Jamie isn't that bad as well. She's no Lilith (obviously) but she's also someone that is cool to be with.
Halos magkasing-edad lang kami ng bago kong roommate. She's already twenty habang ako'y magse-celebrate palang next month, but despite of being at the same age... I'm a year ahead of her. Second year palang ito. Hindi na ako nagtanong kung bakit because I think it's kind of a personal matter.
Gaya nga ng sinabi ko. Okay na kasama si Jamie, hindi rin overpowering or draining ang energy niya kaya kahit papaano ay hindi ako nab-bother sa presence niya sa bahay. She's actually kind of sweet, palagi niyang tinatanong kung kakain ba ako kasabay niya o kung may gusto akong ipabili pag lalabas siya. She's really understanding, minsan nga nahihiya ako kapag pagod na pagod ako at simpleng tango at iling nalang ay maisasagot ko but she doesn't seem to mind it at all.
BINABASA MO ANG
To Meet In The Middle (Meet Series 1)
RomanceI am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love.