Unlike yesterday ay mas madali nalang ang trabaho namin ngayon. Bukod kasi sa gamay na namin kung paano mag-function as a group ay mas magaan na ang atmosphere ngayon kesa kahapon. Tingin ko malaking factor na last day na ngayon, everyone just wanna get over this already.
Ala una na ng hapon at kakatapos lang mag-lunch ng team. Kasalukuyan kaming nakaupo lahat sa loob ng maliit naming booth at nakapalibot sa mesa, masiyado kasing mainit kung sa likod kami tatambay. Wala ngayon si Miss kasi may kausap ito sa phone kanina, she's probably talking to someone important kasi hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik.
And since it's afternoon, muli na namang sinusumpong ng pagiging antukin niya itong si Luke, actually tulog na nga halos yung lahat maliban saming tatlo nina Luke at Kathy. Nagsimula na ang sunud-sunod na hikab ni Luke kaya ay sinigurado ko muna kung naka-contacts ba ito, good thing is that he's wearing his glasses now. Mabuti naman at natuto na siya.
"Matulog ka na." I told him. Mukha kasing pinipigilan niya ang sariling makatulog, nakatingin lang ito sa malayo. He looked at me, slightly shaking his head. "Okay lang ako."
I shrugged and proceeded on watching a random Shane Dawson series on my phone, I've been a fan of him for years already and I'm always amused by how his content gets better and better over time. I'm currently watching his series with Molly Burke for the nth time already nang mapansin kong gumagalaw si Luke dito sa tabi ko. Sinulyapan ko ito at nakitang nakikinood din pala siya sakin. Agad kong tinanggal ang isang earpod ko. "Wanna watch?" I asked, about to disconnect my earpods from my phone para pareho kaming makarinig (again, I'm not into sharing earpods/earphones).
"Wag na." he said, shaking his head. "Napanood ko na din naman yan."
But it's already too late at na-disconnect ko na nga yun sa phone ko kaya inadjust ko nalang ang volume para hindi kami makaistorbo sa iba. Ngising-ngisi naman si Luke habang inuusog ang upuan palapit sakin, he settled his right arm on the back of my chair habang ako naman ay nakapatong ang parehong braso sa ibabaw ng mesa at hawak-hawak ang phone ko. Tahimik lang kaming dalawa na nanood, paminsan-minsan ay natatawa din kami. Para nga lang kaming baliw dito na kaniya-kaniyang nagtatawanan, napapatingin tuloy si Kathy sa gawi namin.
Nang matapos na namin ang buong series ay nagkatingan pa kami.
What now?
I checked the time at may 30 minutes pa bago kami muling mamigay ng snacks. I looked around at tulog na tulog parin ang mga kasamahan namin, even Kathy at ang kakabalik lang na si Ms. Sofia. Tiningnan ko naman itong katabi kong prenteng nakaupo habang nakasandal sa monoblock chair niya at naka-dekwatro pa. Abala ito sa phone niya.
"Hindi ka matutulog?" Muli kong tanong.
Nilapag niya ang phone sa ibabaw ng mesa. "Hindi naman ako inaantok... and besides, nakatulog na ako kaninang umaga. Remember?"
I laughed. Oo nga pala, kakarating palang namin dito ay hindi na nakatulong si Luke kasi agad itong natulog sa gilid kasi puyat daw siya kagabi dahil sa thesis nila. The poor guy. Hinayaan nalang namin siya since kaya naman naming mag-ayos kahit wala ito.
Sumandal na rin ako sa upuan ko dahilan para tanggalin niya ang nakapatong braso dun. "Kamusta na nga pala yun?"
"Inaayos ko nalang ang papers para makapagsimula na yung survey namin. Nakikipag-contact narin ako sa mga potential respondents." tipid niya akong nginitian.
He may look like he's actually having fun about it but his eyes can't lie. Kitang-kita ko yung pagod at stress niya. I mean, alam ko namang antukin talaga si Luke pero mukhang mas napapadalas na ito ngayon which only meant one thing, hindi ito masiyadong nakakatulog pag nasa bahay. Honestly speaking, no matter how proud I am of him right now, I can't also help but get worried. Aanhin niya pa yung achievements niya kung katawan niya yung naaabuso?
BINABASA MO ANG
To Meet In The Middle (Meet Series 1)
RomanceI am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love.