12. Luciano, The Legit Korean

2.6K 100 83
                                    

Maaga ang assembly ng team namin for our support drive. 

We needed to meet at the testing center before 7 AM kasi aayusin pa namin yung designated booths for us. Hindi lang naman kami yung support drive na present mamaya, marami kami. Kaya lang ay malayo kami sa mga classrooms para maiwasan daw ang any forms of cheating. Malamang ay strict yung mga examiners pero nagpapasalamat parin kami na pinayagang makapasok ang drive namin. I heard na iilan lang daw ang pinayagan, the rest will camp outside the university.

Maaga akong nagising ngayong araw, gulat na gulat pa nga si Lilith nang paglabas niya ng banyo ay naghahanda na ako ng breakfast sa kusina.

"Anong oras na ba ngayon?" she asked suspiciously while eyeing what I'm cooking. "Late na ba ako?" 

Usually kasi ay 4:30 ng umaga ay nagigising na siya to prepare. Malayo kasi yung kumpanya kung san siya nagd-duty kaya kailangan ay maaga siyang makaalis to avoid traffic. 

"Five AM palang." I laughed, playfully shoving her away. "Mag-bihis ka na dun." 

"Teka..." Nagkatinginan tuloy kami dahil sa panic sa boses niya. "Ngayon na ba yung board exam ni Jas?!" Pati ako ay napatalon sa kinatatayuan ko dahil sa boses niya, mabuti nalang at hindi ko natabig yung frying pan. 

"Oo?"

Hindi na ako pinansin ni Lils at nagmadali na itong pumasok sa kwarto niya. Rinig na rinig ko pa ang boses niya galing dito. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang itong nagpapanic. Seriously? Malamang ay nakalimutan niya ang araw na ito dahil sa abala din siya sa internship at hindi naman kasi taga-department namin si Lils so hindi ito big day for them.

"Kaya pala tumawag sakin kaninang madaling araw... that little shit..." Lils murmured from her room.

Oo nga pala. Muli ay nagka-contact na kami kay Jason pero isang text lang sinend niya sakin. Nagpasalamat lang siya sa suporta ko for him. Paano ba naman kasi, sa loob ng ilang araw na wala kaming idea kung nasan siya ay hindi ko ito tinantanan ng texts, kahit simpleng pangangamusta lang ay ginawa ko just to make him feel that he's not alone. Pero hindi na ito nag-reply pa matapos ang huli nitong text, I understand.

Matapos kong makapag-luto ay agad na akong naligo at nag-bihis. Hindi ko pa nga gustong suotin ang department shirt namin dahil medyo masikip na ito sakin, masiyadong hapit na hapit na sa katawan ko pero wala naman akong choice. Ito yung ni-require ng adviser na susuotin namin ngayon. I checked my phone and saw that I received a text from Luke earlier telling me that he's on his way already. 

Wow naman. Ang agang nagising.

Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi na ako nagulat na may kasama na si Lilith sa dining table. Malamang ay kanina pa yung text ni Luke so it made sense that he's already here. 

"Morning." tipid niyang bati habang sumisimsim ng kape, suot-suot din nito ang puting department shirt namin. I immediately frowned when I saw that he was using my mug.

"Good morning." bati ko din pabalik. 

Tahimik kong binuksan ang cupboard namin ni Lils para maghanap ng iba pang mug. Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila habang nagtitimpla ng kape. Kaninang madaling-araw daw kasi ay tinawagan ni Jason ito, Lils was kinda upset kasi pinagalitan niya pa si Jas nun dahil inaantok na siya. Talagang nakalimutan niya na ngayon ang board exam nito. That poor guy. Ngayon naman ay pilit niya itong tinatawagan pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya. Luke assured her na hindi yun nagtatampo, sadyang kinakabahan lang talaga.

"Don't worry Lils. Hindi naman siguro yun magtatampo sayo. Alam naman niyang busy ka." I consoled my troubled friend. Ang aga-aga kasi ay nakasimangot na ito habang pinipilit na ubusin ang hinanda kong breakfast. 

To Meet In The Middle (Meet Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon