"Tin! Gising na!"
I groaned as I heard Mama calling me. I did some stretchings on the bed first while yawning when someone knocked on my door. "Tin mag-aalas otso na, kumain ka na ng breakfast!"
I know. Dapat ay bumabawi ako ng tulog habang break ko pero iba dito sa bahay. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at lumabas ng kwarto, I didn't make my bed yet since I'm gonna sleep again after eating breakfast. Lumabas na ako para makapahilamos at makapag-mumog nang tinawag na naman ako ni Mama.
"Opo!" I answered as I went to the dining area. Rinig na rinig ko pa ang ingay ng morning news na pinapanood niya habang naglalapag ng pinggan ko sa mesa. "Good morning Ma." bati ko sakanya.
"Good morning nak." she smiled at me, the thin lines on the corner of her eyes showing. "Kain na, aalis na din kami maya-maya ng Kuya mo." Tiningnan ko naman si Kuya Sol na kasalukuyang nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. I still find it awkward to see him at this state, for me he will always be that scrawny big brother that always teases me. Ate Lana isn't living with us anymore since her work demands her to be in the city 24/7. Si Kuya naman ay isang accountant sa office kung saan nagtra-trabaho si Mama kaya sabay silang pumapasok.
Nagsimula na akong kumain ng agahang hinanda ni Mama habang sila ay abala sa pag-aayos. "Bunso ikaw na maghuhugas ah, male-late na kami ni Mama." utos ni Kuya matapos niyang ilagay sa sink ang pinagkainan. "Okay." I answered as he kissed my forehead.
Si Mama naman ay nasa pintuan na at hinihintay si Kuya. "Tin i-text mo ako pag nakapag-enroll ka na ha? Para makapag-deposit na ako sa account ng school niyo."
"Opo Mama. Ingat kayo!"
Hindi na niya ako sinagot at agad nang lumabas ng bahay na siyang sinundan naman ni Kuya habang kinakawayan ako. "Mag-lock ka Tin!" utos neto. Hindi na ako sumagot at pinakinggan lang ang pag-alis ng kotse ni Kuya.
After ko ding mag-breakfast ay nagsimula na akong maghugas ng pinggan, naglinis na rin ako ng bahay since yan lang naman ang ginagawa ko sa tuwing naiiwan ako mag-isa dito. Wala din akong gana manood ng palabas sa TV ngayon kaya pinili ko nalang na bumalik sa kwarto para makatulog ulit.
I woke up at noon, ang unang bumungad sakin ay ang text ni June na nakapag-enroll na daw siya. Shit! I almost forgot. Patay talaga ako kay Mama pag nakalimutan ko. So agad akong nagbukas ng laptop at nag-fill up ng information sa online enrollment namin. Hindi naman kasi hassle since mabilis lang talaga ang process. After a few minutes ay enrolled na ako kaya agad ko nang tinext si Mama.
Maliligo na sana ako nang tumunog yung laptop ko. May nag-add sakin sa isang group chat. Out of curiosity ay binuksan ko ito. I was shocked when I read the chat's name... BSMT 3. Agad-agad? Hindi ba talaga kami balak pagpapahingahin ng acads life ko? May chat na doon galing kay Sir Tony, yung naririnig kong terror na prof ng higher years. Geez. Ito na ba talaga yung sinasabi nila?
Good morning incoming 3rd year students. As a heads up for our first class, I am requiring you to make a reviewer for Bacteriology, Clinical Chemistry, and Hematology's first chapters since I will be handling those major subjects. Have a good day.
Halos maiyak ako sa nabasa ko, may inattach pa siyang soft copies ng mga libro since hindi pa kami nabibigyan ng actual hard copy. Ano ba namang klaseng buhay 'to? I wasn't expecting any of this. Dumagdag pa sa inis ko yung mga pabibong ka-batch na may reply pa na Okay sir. Copy po sir. Thank you po, noted. Edi kayo na! Sa inis ko ay agad kong chinat si June tutal lagi naman yung online, nagdadalawang isip kasi ako kung gagawin ko ba yun o hindi.
Junipher Jimenez
June?
I was about to call you!
BINABASA MO ANG
To Meet In The Middle (Meet Series 1)
RomanceI am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love.