Chapter Five

489 8 0
                                    

Xander's body froze as he stared at the woman sleeping next to him.

Damn it! Paano itong nangyari? Iginala niya ang paningin sa silid, this is definitely Beatrix's room! How did he end up here and with her?

Lalo siyang pinanlamigan ng katawan ng mapagtantong kumot lamang ang nakatakip sa kanyang katawan, tila ganoon din ang dalaga. Umupo siya sa kama, sapo pa rin ang ulong kumikirot, daig pa niya ang umubos ng ilang botelya ng tequila sa nararamdaman niya ngayon.

He groaned inwardly nang makita ang mga damit nilang nakakalat sa sahig.

"Shit!" Mahina siyang napamura at nilingon si Beatrix na tulog pa rin. Tumiim ang kanyang mga bagang kasabay ng pagkuyom ng kamao sa unti unting paglinaw ng mga pangyayari sa kanyang diwa. There's no way he would be drunk with just one glass of any alcohol! Lalong hindi sa cocktail drink na kagaya ng ininom niya kagabi!

"Beatrix..." niyugyog niyang bahagya ang balikat nito.

Bahagya lamang itong umungol at gumalaw sa kinahihigaan, ang kumot na tumatakip dito ay nahawi, exposing a little part of her chest.

Muli siyang napamura. Shit! She is naked underneath, just like he suspected!

May nangyari ba sa kanila? Ginalaw ba niya ito? He shook his head. He would at least remember something kung may nangyari. He stood up at sinimulang isuot ang underwear at pantalon. Nagsusuot na siya ng pang itaas ng makita niya ang pagpihit ng seradura ng pintuan at itinulak iyon pabukas.

"Hey sleepyhead! wake-" Zachary stopped mid sentence nang makita siyang nagsusuot ng damit. Nanlaki ang mga mata nito  sabay tingin sa kapatid na nakahiga sa kama at nababalutan ng kumot.

Nakita ni Xander ang paniningasing ng ilong nito sa galit. Agad siyang dinaluhong nito ng suntok, at dahil sa hilo pa siya ay hindi man lamang siya nakailag. Sapul siya sa mukha ng kamao ng kaibigan.

"You son of a bitch!" Malakas na hiyaw nito "what did you do to my sister?!" Isang suntok ang muling pinakawalan nito.

"Kuya stop!" Tili ni Beatrix na nagising mula sa ingay ng komosyon.

She wrapped her body with the white blanket, nakatayo ito sa sulok ng ulunan ng kama, mahigpit ang hawak ng kumot sa dibdib.

"Magbihis ka!" Bulyaw ni Zacahary sa kapatid. For the first time ay nasulyapan niya ang takot sa mga mata ng dalaga. Mabilis itong nagtungo sa walk in closet upang magbihis.

Dinama ni Xander ang labi na pumutok dala ng pagkakasuntok ng kaibigan, nalasahan niya ang dugo mula roon. Muli niyang ipinilig ang ulo, nadagdagan yata ang hilo niya dahil sa mga suntok ni Zachary. Hindi siya agad makatayo sa kinauupuan.

"Tang ina bro! Wala kang utang na loob! Pati kapatid ko!" Gigil na sigaw pa rin ni Zachary, kahit pa ngayon ay pinipilit nitong timpiin ang sariling galit.

Hindi nagtagal ay humahangos na dumating si Laura kasunod si Emilio nang isa sa mga katulong ang nagsabi sa mga ito na may nangyayaring kaguluhan sa silid ni Beatrix.

Laura was horrified to see blood on Xander's face. Agad nitong nilapitan si Xander at inalalayang makatayo, habang si Emilio ay nanatiling nakatayo malapit sa pintuan, nakapa maywang ito. Hindi ito nagsasalita ngunit bakas din sa mukha nito ang nagbabadyang galit.

"Explain yourself Xander" Emilio said in a low but authoritative voice. Narinig niya ang marahas na paghinga nito "what are you doing in my daughter's room and where is Bea?"

"Tito, I swear, hindi ko po talaga alam kung paano ako napunta dito... sinundo ko po si Beatrix kagabi mula sa isang bar and... malabo na po ang mga pangyayari pagkatpos noon"

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon