Chapter Seven

469 8 0
                                    

Mariin niyang ipinikit ang mga mata kasabay nang marahas na pagbaba ng mga labi ni Xander sa mga labi niya. There was nothing gentle about that kiss, instead, it was an aggressive kiss, intended to punish and insult her.

Bea's knees instantly turned to jelly, pakiramdam niya ay hindi na siya kayang suportahan ng mga ito upang makatayo, idagdag pa ang nakabibinging tibok ng puso niya. Unknowingly ay napakapit ang mga kamay niya sa braso ni Xander, to support herself. He might have misunderstood her dahil tila lalong nag alab ang halik nito sa kanya, as if expecting her to be an expert in the kissing department. This is her first kiss for heaven's sake! she did not know how to respond, nanatiling nakapinid ang mga labi niya, until she felt his tongue seeking entry. He patiently encircled his tongue on her mouth, coaxing her to open them. On instinct ay naibuka niya ang mga labi, upang sumagap na rin ng hangin dahil tila siya nalulunod sa ginagawa ngayon ng binata sa kanya.

She heard Xander groan, as he delved in, exploring the crevices of her mouth. Lalong nanlambot si Bea, hindi niya alam kung paanong bibigyan ng pangalan ang sensasyong ngayon lamang niya naramdaman. Ang buong katawan niya ay nabalutan ng masarap na kilabot, naroon din ang mga paruparo sa kanyang sikmura.

Naramdaman niya ang pagtaas ng isang kamay nito upang sapuhin ang kanyang mukha, as he continued to deepen the kiss. Nagbago ang paraan ng paghalik nito, from punishing to sensual, he seemed to be taking his time tasting her. She tried mimicing what he was doing, and heard him groan in pleasure again. He caught her tongue and gently sucked on it. Bea just lost it! ang mga kamay niya ay kusang tumaas sa leeg ng binata, she pulled herself nearer to him, na para bang hindi pa sapat ang pagkakalapit nila ng mga sandaling iyon.

Si Xander ang unang tumigil sa ginagawa. Halos parehong habol nila ang hininga. Mataman siyang tinitigan nito, his eyes were still burning with passion. Si Bea ay pinamulahan ng mukha, gaano man niya gustong maging matapang upang titigan din ang mga matang iyon ay hindi niya magawa.

"is that what you want?" malamig na tanong nito "I can do so much more to you, just tell me. I can scracth your itch-"

Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha nito bago nagmamadaling tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Xander, you bastard! how could you say that to me?! ano ba ang tingin mo sa akin?! Her tears kept falling as she ran towards the mansion. Tama ba ang naging desisyon niya? Xander seems to hate her now, would it have been better kung hinayaan niya itong mapunta sa iba and in return not to be hated by the only man she loves?

No! I did this kaya kailangan kong panindigan! Kinuyom niya ang mga kamao. I will make you fall in love with me, Xander. It doesn't matter how long, but you will definitely love me. Buong ang loob na bulong niya sa sarili.





Hindi maialis ni Beatrix ang paningin sa pintuan ng bulwagan ng hotel na iyon. Today is her wedding day, at kagaya ng nais ni Xander ay isang simpleng kasal lamang ang idaraos. Sa halip na simbahan ay gaganapin ang seremonya sa banquet hall ng isa sa mga hotel kung saan mayroong malaking shares ang kanyang mga magulang. Bagaman nagpilit ang kanyang papa na ito na ang sasagot ng bayad sa venue at maging sa catering ay hindi pumayag ang binata.

She glanced at the huge grandfather's clock na nasa isang corner ng bulwagan. It's already 5:30, Xander's already 15 minutes late. She nervously looked at Monique and Andrea na naroroon bilang bridesmaids sa kanyang kasal.

"don't worry, baka na traffic lang yon" ani Monique sa kanya at banayad na pinisil siya sa kamay. Malakas ang buntong hiningang pinakawalan niya. What kind of groom will be late for his own wedding? oh right, a groom like Xander. Isang lalaking napipilitan lamang magpakasal.

"what if he doesn't show up?" alalang tanong niya sa kaibigan at nilinga ang paligid. Their wedding is an intimate one, ganoon pa man ay ilang mga kaibigan pa rin ng kanyang ama at ina ang naroroon, ganoon din ang ilang kamag anak.

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon