Chapter Ten

501 14 0
                                    

Huminto si Beatrix sa tapat ng lumang bahay. She surveyed the house in front of her. It was an old spanish style house, dalawang palapag na gawa sa kahoy at bato. May balkonahe sa pangalawang palapag ng bahay na sa tingin niya ay hindi na safe puntahan dahil sa kalumaan. Ang mga bintana ng bahay ay sliding na yari rin sa kahoy. Overall, the house doesn't look that bad kahit pa sa tingin niya ay matanda pa ito sa lolo niya.

May maliit na hardin sa harap ng bahay na natataniman ng mga santan, ganoon din ay mayroon pang iba't ibang uri ng halamang naka paso na karaniwan ay hindi niya alam ang pangalan.

"are you gonna stand there the whole night?" untag sa kanya ni Xander. Nakasandig ito sa hamba ng pintuan papasok ng kabahayan.

"d-dito tayo titira?"

"for now, yes." walang emosyong sagot nito "bahay ito nina tatang at nanang, pero dahil doon naman sila namamalagi sa ancestral house ninyo, maaari muna nating gamitin ito"

"t-tayo lang dalawa rito?" alanganing tanong niya.

"bakit? natatakot ka?" naghahamon ang tinig ni Xander.

"hindi ah!" she ansewered defiantly "b-bakit naman ako matatakot?"

Xander chuckled, looking amused "because you know, if you haven't noticed, I'm not the very nice Xander that you knew"

"hindi ako natatakot sa iyo, Xander" taas noong sagot niya.

"Ows?" tumaas ang isang kilay nito. Akmang may sasabihin pa ito nang mapatuon ang paningin sa kanyang mga paa "you did walk barefoot" manghang kumento nito.

"my shoes stunk! what did you expect me to do? tapos iniwan mo lang ako doon!"

Nang-iinis na pumalakpak ito "wow! the princess walked barefoot! it must be the end of the world!"

"hmp!" inis na nilapitan ni Beatrix ang asawa "you're gonna pay for this!" aniya rito bago pumasok sa kabahayan.

Xander chuckled.

This is only the beginning, princess... The corner of his lips twitched into a mocking smile.





Napangiwi si Beatrix nang ipakita ni Xander ang kuwarto niya sa kanya. Una, dahil umasa siya na baka sakaling iisang silid lamang ang pagsasaluhan nila, pangalawa, dahil bukod sa maliit ang closet na naroroon ay pawang luma pa ang mga gamit! Ang kama ay mukhang matigas, ang tokador na nasa isang gilid ay mukha ring antigo. And lastly, walang en-suite bathroom! This is a nightmare!

Nilingon niya si Xander "is this the only closet that I'll have?"

"may nakikita ka pa bang ibang aparador dito?" painosente nitong nilinga ang kabuuan ng silid.

"my clothes won't fit in there! at saka, wala man lang bang aircon dito? paano pag mainit?" reklamo niya.

"sino ba kasi ang may sabing sa iyong dalhin mo ang isang truck na mga damit mo?" balik tanong nito sa kanya. Lumakad ito patungo sa bintana at binuksan iyon "eto po ang aircon, mahal na prinsesa!"

Naningkit ang mga mata ni Beatrix. Pagod siya sa mahabang biyahe pagkatapos hindi makausap ng maayos itong lalaking ito!

"I mean a real airconditioner?! and how do you expect me not to bring my stuff! To be honest, I only brought the basics!"

"Basics?" pag uulit nito "sa pagkakatanda ko, anim na malalaking maleta ang ibinababa ko mula sa sasakyan, not counting your smaller bags"

"mga gamit yun na magagamit ko everyday! hindi ko na nga nadala ang ibang mga shoes, bags at accessories ko eh!" she rolled her eyes "wala bang mas malaking silid sa bahay na ito?"

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon