Chapter Thirty

525 12 4
                                    

Walang nagawa si Beatrix nang isa isang dalhin ni Xander ang mga maleta niya sa kabilang silid. This used to be their room. Gustuhin man niyang mag protesta ay hindi niya nais na marinig ni Mico na tila lagi silang nagbabangayan. Her son is genuinely ecstatic about everything, at halos hindi ito maalis sa tabi ni Xander. The two spent the whole afternoon together, at game si Xander sa lahat ng mga larong nais ng anak.

Habang natatapos ang araw ay lalong himihigit ang kaba sa dibdib ng dalaga. Hindi niya malaman kung paanong paraan ang maaaring gawin upang matakasan ang patibong ni Xander na sa iisang silid sila mamalagi.

Matakasan mo man siya ngayon, paano ang mga susunod na araw? Remember, 3 months Beatrix...3 months.... paalala ng kanyang isip.

Malalim ang pinakawalan niyang buntong hininga. No use of avoiding him now dahil ang mga susunod na araw, linggo at buwan ay natitiyak niyang hindi ito papayag na hindi masunod ang gusto. Ang tanging magagawa na lamang niya ay mag ingat...pag-ingatan ang sarili para hindi siya madala sa mga panunukso nito.

Matapos makapag hapunan at makaligo ay nakatulog si Mico sa tabi ni Xander habang nanunood ng cartoons ang mga ito sa sala. Binuhat ito ni Xander paakyat sa silid, siya naman ay sumunod to tuck her son in and queitly kiss him goodnight.

Ipininid niya pasara ang pintuan ng silid ni Mico at sumandal doon, hinahanap ang lakas ng loob upang tunguhin ang kabilang silid kung saan naroon si Xander.

Nakahinga siya ng maluwag ng maulinigan ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. He must be taking a shower. Dali-dali siyang pumasok ng silid at hinatak ang makapal na comforter mula sa kama. She folded it upang magsilbing sleeping mat niya, she then placed it into one corner of the room, malapit sa bintana and as far away from the bed as possible. She grabbed one pillow from the bed at binuksan ang cabinet upang maghanap ng isa pang comforter na maaaring gamiting kumot.

Inilatag niya ang katawan sa makeshift bed niya sa gilid ng silid na iyon, and stared at the ceiling. She could feel her heart thudding loudly in her chest, na para bang ano mang sandali ay may darating na halimaw na handa siyang kainin.

Inilibot niya ang mga mata sa silid. Noon lamang niya napansin na malaki rin ang ipinagbago niyon, maging ang lumang cabinet at napalitan ng modernong siliding glass wardrobe. Tumagilid siya and stared at the bed on her left. It was the same king sized bed na pinagsaluhan nila noon. Tila tuksong nabuhay sa kanyang isip ang mga matatamis na sandaling iginugol nila ni Xander sa kamang iyon....

"please what?" mapanuksong tanong ng binata habang ang mga mata nito ay naglalagablab na nakatuon sa kanya. He reached for her delicate spot down there. "please this?" he teasingly stroked her there and Beatrix writhed under his touch. She gasped for air sa sensasyong dala ng ginawa nito. She reached out for him, ang mga kamay niya ay dinala niya sa batok ng binata, desperately wanting to pull him closer to her. Xander's eyes burned with even greater passion as he lowered his lips to claim hers....

Marahas niyang ipinilig ang ulo sa mga naiisip! For God's sake! Narito siya sa ganitong sitwasyon ngayon ngunit ang naaalala niya ay mga maiinit na sandaling iyon!

Mabilis siyang tumagilig sa kanan at nagkulubong ng comforter ng maramdaman ang mga yabag na palapit sa silid. Her heart raced as if there was danger approaching.

Calm down...breathe....

Narinig niya ang pagpihit ng seradura at pagbukas ng pintuan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa comforter na tumatabon sa kanya. She closed her eyes tightly and tried to calm herself down. Maybe if Xander thinks that she's already soundly sleeping ay hindi na siya bubulabugin nito.

Lumapit ang mga yabag sa kinahihigaan niya at huminto sa kanyang tapat.

Oh God! oh God! please go away! Leave me alone!!! nagsisimulang mag panic ang kanyang kalooban.

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon