Chapter Twelve

490 10 0
                                    

Bea clenched her palms sa narinig na sinabi ni Frances. Muli siyang tumingala upang tignan ang mukha ng binata but his face remained blank.

Marahan siyang kumawala sa pagkakayakap sa asawa at tumawa, trying to hide the the hurt from her eyes mula sa narinig. So, the two of them already have a plan in place. Ni hindi man lamang pala nais bigyan ng pagkakataon ni Xander ang pagpapakasal nila, at sa halip ay magpapalipas lamang ng isang taon bago siya idispatsa.

Well, you'll soon learn not to mess with Beatrix Luna Montecillo.

Tila naaaliw na umarko ang isang kilay ni Bea pataas "you do know that plans can change right?" She sweetly smiled at Frances "who knows, baka hindi na dumating ang araw na inaasam mo Frances. Baka hindi na ako gustuhing iwan ni Xander. So if I were you, hindi ako masyadong aasa"

Binalingan niya si Xander "love di ba sabi mo ikaw na ang magluluto for us kasi baka masaktan ulit ako?" She held his arms close to her "thanks! You're the sweetest!" Nang-iinis niyang tinignan si Frances, a smile slowly broke on her face.

Mukhang epektibo ang kanyang ginawa dahil nakita niya ang pag-asim ng mukha ng babae. Nasa mga mata nito ang tanong nang tinignan si Xander. Before Xander could say anything, Frances quickly turned around at patakbong umalis.

"Frances, wait!" Tawag ni Xander at akmang susundan ang babae.

Mahigpit na hinawakan ni Bea ang braso ng binata, unwilling to let him go.

Xander glanced at her, ang mga mata nito ay nagtungo sa mga kamay niyang mahigpit na nakatangan sa braso nito. Lalong lumalim ang kunot sa noo ng binata bago walang imik na binaltak ang braso mula sa kanya at mabilis na hinabol si Frances.

Malungkot na sinundan ng tingin ni Bea ang asawa. She bit her lower lip at mabilis na kumurap upang hindi magtuloy ang pamamasa ng mga mata. Nasasaktan siya sa ginagawa ni Xander, ngunit hindi niya susukuan ang pagmamahal niya rito. She knows one day, he will love her as much as she loves him. Maybe what happened to them last night will pave way for this marriage to work.

Hindi nagtagal ay bumalik si Xander. Nakapamaywang siyang tinignan nito.

"Just what was that Beatrix?" iritadong tanong nito

"ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, di ba? What was that girl doing here?"

"Hindi ba malinaw sa'yo ang mga sinabi ko dati? Alam mo kung ano ang kasal natin hindi ba?" He said sounding exasperated

"So ano yung nangyari sa atin kagabi? What does that mean?" She answered defiantly.

"Nothing!" He snapped

"What?"

Hinilot nito ang sentido bago muling nag angat ng tingin upang salubungin ang mga mata niya "nothing, Beatrix. What happened between us meant nothing"

She sucked in a breath and tried hard not to let a tear fall. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa ang sarili sa harap ng kahit na sino, maging sa harap ni Xander, kahit pa napakasakit sa pandinig niya ang sinabi nito.

She inhaled sharply before giving Xander a bitchy smile "too bad Xander. You already took a bite from the apple. There's no turning back now, love" she was faking courage, dahil ang totoo ay parang gusto na niyang mag-iiyak sa sinabi nito.

"What do you-"

Bago pa natapos ni Xander ang sinasabi ay mabilis siyang lumakad paalis ng kusina.

"Beatrix!" Narinig niyang tawag nito but she pretended not to hear at nagkulong sa silid.

Nagising si Bea sa kumakalam na sikmura. Naupo siya sa kama at hinimas ang tiyan. She grabbed her phone to look at the time. Shocks! It's already 2 in the afternoon! Maghapon na pala siyang nakakulong sa silid magbuhat ang sagutan nila ni Xander kaninang umaga.

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon