Chapter Fourteen

486 12 0
                                    

"Bea!" masiglang tawag ng isang tinig sa kanya. She turned to look at the owner of the voice and saw a guy running her way. He looks familiar but she can't remember where he's seen him.

Humahangos itong huminto sa tapat niya. He was smiling broadly, showing a set of pearly white teeth.

"kumusta?" tanong nito sa kabila ng pagkahingal

Bahagyang nagdikit ang mga kilay niya, pinipilit halukayin sa utak kung kilala ba niya ang kaharap.

"Kevin" nakangiting wika nito sabay turo sa sarili, marahil ay nahulaan na hindi niya ito nakilala.

"oh Kevin!" she acknowledged kasabay ng pag tango. She gave the man a smile. Ngayon ay natandaan na niyang nakilala niya ito ng bumisita ang lalaki sa bahay nila a couple of months back.

"Are you studying here?" tanong niya. She actually assumed na kasing edad ito ni Xander.

"yup. This year's my last year. Graduate na dapat ako last year pero nahinto kasi ako kaya ayun" paliwanag nito

"oh, okay" she nodded

"ikaw? kumusta ang second day mo dito sa university? ibang iba siguro kaysa sa Maynila?"

"it's going good. Same lang din naman"  she lied. She wanted to say yes dahil ang totoo ay wala lahat ng mga nakasanayan na niyang amenities ng isa sa pinaka prominenteng unibersidad sa Maynila na kanya noong pinapasukan but then she didn't want to sound like a snob kaya minabuti na lamang niyang huwag pahabain ang sagot.

"well, that's great to hear" he answered smiling. "may klase ka ba ngayon?"

"uhm, not at the moment. Vacant period ko"

"perfect! mag merienda muna tayo" aya nito

"I'm not really hungry" she declined politely. "Papunta sana ako ng library eh"

"C'mon, just a quick bite,please?"

"Maybe some other-" she didn't finish what she was saying when she saw Xander and Frances walking together. Frances was smiling ear to ear, kulang na lang siguro ay i-angkla  nito ang kamay sa braso ni Xander! It looks like the two are headed to the canteen!

"sure!" she quickly changed her answer at matamis na nginitian si Kevin "let's go?"

Lalong lumapad ang ngiti ni Kevin at magkasabay silang naglakad patungong canteen.

Sa canteen ay agad sinuyod ng mga mata niya ang helera ng mga upuan at lamesa. There! She spotted Xander and Frances right away, nakapila ang mga ito para umorder ng pagkain. Most of the female students there were obviously eyeing Xander, kinikilig na nagbubulungan ang mga ito.

"do you always attract this much attention maski sa Maynila?" Kevin asked out of the blue

"huh?" she cluelessly looked at the guy. He was standing behind her in line.

Ngumisi ito at inilapit ang mukha sa kanya upang bulungan siya "I mean, look around you. Parang nakakita ng artista ang mga kalalakihan dito" he chuckled.

Nilinga niya ang paligid at tama nga ito, most guys were staring at her, their eyes were showing admiration towards her. Hindi sinasadyang nahagip niya ng tingin ang kinaroroonan nina Xander at makitang nakatitig ito sa kanila ni Kevin. Seryoso itong nakatingin sa kanya na tila galit. She pretended not to see him at sa halip ay ibinaling ang pansin kay Kevin kahit pa ang totoo ay hindi siya interesado sa sinasabi nito sa kanya.

Nang maka-order sila ay naupo sila sa pang apatang mesa. Ilang dipa ang layo ng kanilang kinauupuan sa mesa nina Xander at Frances. Sadya siyang umupo sa silyang nakapaharap sa mesa ng mga ito upang makita niya ang pinag gagagawa ng dalawa.

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon