Chapter 8
Visit
Tinuro ko kay Jared kung saan ang kanto ng street namin. Kaso pinilipilit niya na sa tapat na ng bahay nina tita ako ibaba. Napasinghap nalang ako tiyaka pumayag.
Nang huminto na sa tapat ng bahay nina tita Anya. Kinuha ko na ang bag ko tiyaka tumingin kay Jared.
“Salamat sa paghatid” ngumiti ako sakaniya.
“Wala iyon. Pasensiya na talaga sa ginawa ng pinsan ko” pagpapaumanhin niya para kay Alexa.
“Oo. Ayos lang iyon” tanging sagot ko nalang.
Muli akong nagpaalam tiyaka bumaba sa kotse niya. Kumaway na ako sakaniya. Mabuti nalang walang masyadong nakatambay kaya hindi ako magiging usapan. Ganyan siguro kapag wala nang magawa sa buhay pati buhay ng iba pinapakialaman na, ba’t hindi nalang kaya sila maghanap ng trabaho?
Pagpasok ko ay nakita ko si ate Anj na naka-abang sa pintuan. Wala kasi silang pasok ngayon, linggo. Oo, kahit linggo ay may exam kami. Mukhang kakatapos niya lang magluto ng tanghalian.
“Ibang kotse naghatid? Magkaibang tao?” Nagtatakang tanong ni ate Anj sa akin. Hindi na niya napansin kung anong nangyari kanina dahil inayos ko ang sarili ko kanina sa kotse.
“Ah yung naging kaibigan ko nung nag audition sa dance troupe” napatango si ate sa sinabi ko pero may bahid parin ng pagtatanong ang boses niya.
“Basta yung paalala ko sayo na huwag kang masyadong magtiwala” tumango ako sa sinabi ni ate.
“Ano bang pwede kong maitulong ate?” Tanong ko tiyaka binitawan muna ang bag ko sa sala tiyaka dumeretso sa kusina.
“Ihanda mo nalang ang mga plato tiyaka kutsara. May yelo sa ref, lagay mo sa pitsel tapos may juice riyan” tumango ako sa sinabi ni ate.
Kumuha ako ng apat na plato tiyaka nilatag ito sa lamesa. Ganon din ang ginawa ko sa mga baso, kutsara at tinidor. Kinuha ko na yung yelo sa ref pagkatapos ay inalis ito sa platik. Tiyaka ko nilagay sa pitsel na may lamang tubig.
“Oh. Kriseta, ibang kotse raw ang naghatid sayo ngayong tanghali? Sinabi sakin ni Beling” nagulat ako ng pumasok na sa kusina si tita Anya.
“Kaibigan lang ni Kriseta, ma” sagot ni ate Anj sa akin. Pumasok narin si Anjo. Kasama kasi sa store ni tita kapag wala siyang pasok.
“Basta kung mayaman man yang manliligaw sayo, sigurauhin mong hindi matapobre ang pamilya” bilin sa akin ni tita Anya. Tumango ako sakaniya tiyaka kami naupo sa lamesa.
“Huwag mo rin papabayaan ang pag-aaral mo. Iyang lalaki makakapaghintay ‘yan” dagdag pa ni tita Anya. Tumango ulit ako sa sinabi niya.
“Alam ko po. Kaibigan ko lang po talaga ang mga iyon” tumango si tita anya sa sinabi ko.
May nagbabantay ngayon sa store na binabayaran ni tita Anya. Isang oras lang naman, kapag kumakain sila nang tanghalian tiyaka malapit lang naman yung store.
Nagkuwento si ate Anj sa mga estudyante niya. Minsan ay napapasali kami lalo na kapag may isyu sa mga bata.
“Nako! Ang daming kabataan na ang nabubuntis” madramang wika ni tita. Tumango si ate Anj sa sinabi ni tita.
“Oo nga, ma. Impluwensiya narin siguro ng social media tiyaka ng ibang nababasa nilang nobela. Akala kasi nila madali lang ang buhay dahil ganon ang nababasa nila sa nobela o napapanood nila sa telebisyon pero sa totoong buhay, mahirap ang buhay kaya kailangan mong mag doble kayod para makapagpalaki ka ng anak. Tiyaka minor de edad palang sila kaya hindi sila makakahanap ng trabaho” mahabang wika ni ate Anj. Napatango ako sa sinabi ni ate Anj.
BINABASA MO ANG
Dance Of Fate [Serano Duology #2]
Chick-LitSerano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we have mutual understanding with different things, we do understand each other, be each other side, be with each other for almost everyday, chee...