Chapter 19

647 13 0
                                    

Chapter 19

Cousin

Kung gaano kabilis kung ano man ang meron sa amin ngayon ni Calvin ay ganon rin kabilis lumipas ang panahon. Pero si Calvin, hindi nagbabago. Walang palya ang mga update niya sa akin t'wing hindi kami magkasama. Lagi parin siyang sweet at lagi niya parin akong napapakilig. Hindi ko alam kung normal ba na kahit kaunti lang ang ginawa niya ay napapangiti na ako.

February na, meaning malapit na ang prelims namin dahil August nagsimula ang pasok namin. Sumabay ang araw ng mga puso ang departmental exams namin pero ayos lang sa akin iyon, hindi naman kami nagcecelebrate ng Valentines 'cause Valentines is a saint and we don't believe saints.

"Gusto mo mamasyal?" Tanong sa akin ni Misha habang naglalakad kami sa campus. Vacant namin ngayon kaya nagyayang maglakad-lakad si Misha.

"Saan naman?" Ngumisi siya sa akin na para bang may binabalak na kapilyahan.

"Pansin ko lang na t'wing lumalabas tayo ay kasama yung mga boys. Last na labas natin ay nung sa bar pero sinundan parin naman tayo" kuwento niya habang nag-iisip kung mayroon pa ba kaming pinuntahan na kaming dalawa lang ang magkasa "After that, wala na. Kasama na natin ang boys" dagdag niya pagkatapos isipin na wala pa kaming lakad na hindi namin kasama ang dalawa.

"Nagpaalam ka ba kay Jeff?" Tanong ko sakaniya, baka kaso hindi nanaman alam ni Jeff ang gagawin ni Misha.

"Hindi. Edi sasama iyon tiyaka ikaw naman kasama ko. So," nagkibit-balikat siya. Kinuha ko na ang cellphone ko para sana itext si Calvin.

"Hep! Hep! Ano iyan?" Wika ni Misha habang hinawakan din ang cellphone ko "No boys allowed" dagdag pa niya habang nagsasign ang hintuturo niya na hindi pwede.

"Sasabihin ko lang kung saan tayo pupunta" pagpapaliwanag ko sakaniya. Umiling siya sa sinabi ko bilang hindi pag sang-ayon.

"Kapag sinabi mo kung nasaan tayo, susunod iyon. That two," pagkatapos ay umirap sa kawalan. Napailing nalang ako habang ngumingiti kaya tinago ko na ang cellphone ko.

Pumunta kami sa isang Mall kagaya ng gusto ni Misha. Buti nalang at anim na oras ang vacant namin ngayon, mamayang six o'clock pa ang pasok namin. Unang nagyaya si Misha na kumain, kaya kumain kami sa isang fast food chain. Ako na ang nagyaya na room nalang kasi wala naman sa budget ko ang pagkain sa mamahaling restaurant.

"Ano ba talagang meron kayo ni Calvin?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ko pa kasi naiikuwento sakaniya dahil hindi naman siya nagtatanong, ngayon lang siya nagtanong.

"Ahm. Friends?" Patanong ko sabi tiyaka kumain. Napairap siya sa sagot ko na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Friends my ass. Ano nga? Parang iba naman" inis na sabi niya. Natawa ako sa reaction niya.

"He's courting me" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon kaya muntik na niyang maibuga ang kinakain niya.

"Talaga? Kailan pa? Bakit hindi niyo sinabi sa amin? Anong sabi niya? Nagkiss na kayo? Holding hands? Momol?" Sunod-sunod na tanong niya bahagya akong nagulat sa mga huling tanong na binato niya sa akin.

"Nung birthday ko, umamin siya. Tapos nung enrollment naman ay nilinaw niya kung anong mayroon sa amin" napatili siya kaya bahagya ko siyang sinaway dahil napatingin na sa amin ang mga taong kumakain malapit sa amin.

"Weeeeeeee?" Hindi parin makapaniwalang sabi niya. Tumingin siya sa leeg ko kaya napahawak ako sa kuwintas na bigay sa akin ni Calvin nung gabing iyon "Siya nagbigay niyan no?" Ngising tanong niya pa na para bang kinikilig sa aming dalawa. Bahagya akong tumango "Sabi na nga ba e, ilang linggo kong pinaniwala ang sarili ko na galing iyan sa mga magulang mo kasi hindi naman nagreregalo si Calvin noon. Pwera nalang ngayon" wika pa niya.

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon