Epilogue

1.9K 43 27
                                    

Epilogue

Pinasa ko na ang requirements na kailangan ng PhiLSAT o ang Philippine Law School Admission Test. Gusto kong ipagpatuloy ang pangarap ko na maging abogado. Kahit na alam kong mahihirapan ako sa pagtatrabaho habang nag-aaral sa law. Pero sabi nga nila walang mahirap sa taong may pangarap. 

Nang makapagtapos ako sa Political Science, may nag alok din sa aking law firm bilang assistant. Ganon talaga siguro kapag naka-graudate ka na may latin honors, trabaho na ang lalapit sa iyo. Kaya kung kaya naman mapabilang sa mga mabibigyan ng latin honors bakit hindi pag-igihan para hindi mahirapan sa paghahanap ng trabaho. Madali ring makahanap ng trabaho kapag maganda ang perfromance sa OJT. 

Nagbayad na ako sa cashier ng admission test fee. Binigyan na niya ako ng schedule sa PhiLSAT at mayroon pa akong isang buwan para makapag review. Kailangan kasi ng fifty five percent na passing rate para makapasok sa law school. Malaking tulong din ang pagtatrabaho ko sa isang law firm dahil may natutunan ako. 

Nang makalabas na ako sa center ay nag-abang na ako ng jeep pauwi. Wala kasi akong pasok ngayon, day off kaya nalakaran ko ang mga requirements. May scholarship din akong natanggap sa firm na pinagtatrabauhan ko kaya hindi ako masyadong mahihirapan sa tuition. Kung papasa ako sa PhilLSAT balak kong pumasok sa Ateneo De Manila University, iyon kasi ang top performing school sa law school. 

Napahawak ako sa kuwintas na nakalagay sa leeg ko, it’s been years but I’m still missing you.

Habang naghihintay ako ng jeep. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone at pagtunog nito hudyat na may tumatawag. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Misha sa screen. Limang buwan narin ang nakalipas simula nung mag graduate kami. Nagkikita rin kami gaya ng sinabi niya na twice a week pero minsan once a week nalang. 

"Hello?" Bati ko sakaniya. Nasa ibang bansa kasi siya last week kaya hindi kami nagkita kaya naman ngayon ay tumatawag. Siguro ay nasa Pilipinas na siya. 

"Hello? Tinawagan ka ba ni Ray?" Tanong niya sa akin. Sandaling kumunot ang noo ko para alalahanin kung tinawagan ba ako ni Direk Ray pero wala akong maalalang tawag niya. 

"Hindi bakit?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. 

"Nakapag file ka na ba ng requirements mo?" Pag-iba niya sa usapan. 

"Oo kakatapos lang. Pero napano si Ray?" Kuryosong tanong ko sakaniya. 

"Ang arte raw kasi nung bidang babae sa ginagawa niyang play ngayon. Hindi naman daw ganon kagalingan sumayaw pero kung makaarte akala mo kung sino" lintanya niya sa kabilang linya. Napailing nalang ako sa sinabi niya "Tinatanong ako kung may kakilala raw ba ako na nag-aaral din don na magaling sumayaw para masuggesst ko e wala naman. Tas pinapatanong kung may kakilala ka raw?" Tanong niya sa akin. 

"Wala man e. Alam mo naman na wala akong masyadong kilala rito sa Manila" nang makita ko na ang jeep na sasakyan ko ay kaagad ko iyong pinara. 

"Sige na mamay nalang pagkauwi ko, sakay muna ako sa jeep. I miss you" pagpapaalam ko kay Misha.

Ang hirap talaga kapag ikaw na ang kumakayod para mabuhay ang pamilya mo. Hindi na katulad nung estudyante pa na laging nasa tabi mo ang mga kaibigan mo. Ang daming nagbabago. Minsan sa pagtanda natin, tumatanda tayong magkahiwalay. 

Kina ate Anj parin ako nakikituloy dahil ayaw naman nila na bumukod ako sakanila. Tiyaka sayang din ang huhulog ko sa boarding house, makakatulog narin iyon kina Mama at sa pag-aaral ko kung sakaling makapasa man lang ako. 

Pagkarating ko sa bahay nadatnan ko ng naghahanda ng tanghalian si ate Anj. Napatingin siya sa akin tiyaka ngumiti. Ngumiti lang din ako sakaniya tiyaka tinulungan siya sa paghahanda. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon