Chapter 25

1K 14 1
                                    

Chapter 25 

Miss

Gusto ko siyang pigilan, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero parang napako na ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Alam kong ilang beses ko ng pinag-isipan ito, akala ko madali lang. Akala ko pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Ayos na. Pero akala ko lang pala lahat. Hindi madali, masyadong masakit, masyadong mabigat sa dibdib ang makita siyang maglakad palayo sa akin. 

Walang tigil ang mga luha ko habang nasa gitna ako ng dance floor. Wala na rin akong pakialam sa mga nakakakita sa akin. Ito ang gusto ko diba? Kailangan kong panindigan. 

May humawak sa braso ko, tiningnan ako ni Misha gamit ang nag-alala niyang mata. Inikot niya ang paningin niya para hanapin si Calvin. Tiningnan niya si Jeff pero tanging kibit-balikat lang ang sinukli ni Jeff sakaniya. 

"What happened? Nagsiupo na ang mag estudyante ikaw nalang ang nandito" wika sa akin ni Misha. Inikot ko ang paningin ko, tama nga siya. May iilan pa na nakatingin sa amin tiyaka bumubulong. Bakit hindi nalang nila problemahin ang problema nila? 

Hinila ako ni Misha paalis sa dance floor tiyaka umupo sa inuupuan namin kanina. Tahimik akong naupo, ramdam ko ang lamig sa pisngi ko dahil sa mga luhang natuyo rito. 

"Where's Calvin?" Tanong ni Misha. Pagkaupong-pagkaupo namin. Nasulyapan ko ang paghawak ni Jeff sa braso niya para pigilan siyang magsalita. 

"We broke up" sa lahat ng iniyak ko sa mga nakaraang linggo pati narin sa pag-iyak ko kanina. Mukhang napagod din ang mata ko sa paglabas ng luha. 

"What?!" Bulaslas ni Misha na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tinikom ko ang bibig ko. "Why?" Naguguluhang tanong pa niya sa akin. 

Maaring magalit sila sa akin dahil sinaktan ko ang kaibigan nila pero nasasaktan din ako. Nasanay narin ako na lagi siyang nasa tabi ko. Nasanay na ako sa presensiya niya. Hindi madali sa akin ang nangyari, ang hirap. 

"Misha" suway sakaniya ni Jeff. Jeff is sensitive kaya ayaw niyang mag cause pa nang kung ano ang sasabihin ni Misha. 

"You two good right? I mean, not good the pass few weeks but Calvin is holding to you" halos manlambot si Misha sa sinasabi niya. Alam nila siguro kung ano ang nararamdaman ni Calvin nung dalawang linggo ko silang iniwasan. 

"We're good but doesn't meant we're meant to be" tanging sagot ko nalang. 

Pero sa kasulukan ng puso ko, umaasa pa rin ako na babalik siya. Babalikan niya ako. Lumanghap lang siya ng sariwang hangin sa labas. Babalik siya, nabigla lang siya. Babalik siya, hindi niya ako kayang iwan. 

Pangako, kapag bumalik siya magmamakaawa ako sakaniyang bumalik siya sa akin. Kahit na ako ang nagtaboy sakaniya. Kahit ako ang nagdesisyon. Akala ko kasi kaya ko, pero hindi pala. 

Natapos ang party, hinatid ako nina Jeff sa amin. Sandali akong naupo sa sala dahil ayokong makita ako ni ate Anj nang mukhang namatayan ulit. Kaso nga lang, bumukas ang pintuan mula sa kwarto ni ate Anj. Kaagad siyang lumapit sa akin nang makita niya ako. 

"Anong nangyari? Akala ko ba pumunta ka sa party? Pero bakit mas mukhang galing ka pang lamay?" Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. 

Pinaglalaruan ko lang kamay ko na nasa tuhod ko. Hanggang sa nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang luha ko. Agad ko itong pinunasan pero parang walang silbi ang pagpupunas dahil patuloy lang ito sa pagluha. 

"Break na kami" tanging sabi ko kay ate Anj. Narinig ko ang pagsinghap niya sa tabi ko. Mukhang hindi alam ang sasabihin kaya ako na ang tumuloy "Ako ang nakipaghiwalay" dagdag ko pa. 

Dance Of Fate [Serano Duology #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon