Chapter 3
Lunch
Mabilis lumipas ang isang linggo. Biyernes na kaagad ngayon pero kahit na isang linggo palang ay marami na kaming nagawang requirements. Ganon talaga siguro kapag college na.
Kakatapos lang ng isang subject namin ngayon, lunch break na. Nag-ayos na kami ni Misha ng gamit namin tiyaka sabay na umalis sa classroom.
"Hay! Nakakagutom! Nakaka stress talaga yung teacher na iyon!" Reklamo ni Misha, first day palang ayaw na niya sa teacher na iyon. "Hindi man lang nagtuturo! Tapos ang daming pa activities, e paupo-upo lang naman siya sa upuan niya" dagdag pa niya. Mukhang gutom na siguro siya dahil wala narin siya sa mood.
"Hayaan mo na, ganyan siguro talaga kapag college na. Paswertihan nalang ng prof" sagot ko sakaniya. Napatango siya sa sinabi ko.
"You have a point there" wika niya sa akin. Nang makalabas na kami sa building namin ay kaagad kong nakita ang dalawa "Oh looks who's here" maarteng wika ni Misha.
"Hello! Nag lunch na ba kayo?" Ngiting-ngiti si Jeff nang makalapit sa amin, kabaligtaran naman niya ang katabi niya ngayon.
"As you can see, kakalabas lang namin" basag sakaniya ni Misha. Umiling lang si Jeff sa sinabi ni Misha.
"Wala kayong klase?" Tanong ko sakanila. Ngumiti sa akin si Jeff nang matamis bago sumagot sa tanong ko.
"Wala. Lunch break rin namin. Ganto rin pala oras ng lunch break niyo?" Humalukipkip si Misha tiyaka inikot ang mga mata niya.
"As if you don't know" sagot pa niya kay Jeff.
"Whoah whoah whoah! Easy! Bakit bad mood 'to, Krizette?" Natatawang wika ni Jeff sabay turo pa kay Misha.
"Sa prof namin na hindi nagtuturo? Or gutom na" sagot ko kay Jeff, bahagya akong tumingin kay Calvin na hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakita ko ang bahagyang pagsiko ni Jeff sakaniya dahilan para tingnan niya ito.
"Where do you want to eat?" Tanong ni Calvin habang deretso ang tingin sa akin. Napasinghap si Misha sa tabi ko, napa "oww" naman si Jeff sa tabi ni Calvin.
"Sinong tinatanong mo? Si Krizette ba o kami?" Sarakastikang tanong ni Misha kay Calvin. Sa wakas, nabaling narin ang atensiyon ni Calvin kay Misha.
"Of course, kayo" sagot ni Calvin dahilan kung bakit nagpipigil ng tawa si Jeff.
Tss. Boys and their body language.
"Gusto ko ng sisig express" sagot ni Misha.
"May masarap na sisig diyan, malapit lang" sagot agad ni Jeff sakaniya. Napatingin sila sa akin kasama si Misha.
"How about you?" Tanong sa akin ni Misha.
Kung kakain sila sa hindi ko alam na resto, baka hindi ako makakasama. Paniguradong mamahalin ang pagkain don, baka nga allowance ko na ng one week ang isang order or worst mas mahal pa sa allowance ko.
"Ah hindi na, baka hindi magkasya budget ko" medyo nahihiyang sagot ko sakanila "Punta nalang muna ako sa library, hindi pa naman ako ginugutom" which is true, nag almusal na kasi ako pagkatapos ay nagmiryenda kami kaninang break ni Misha.
"Saan ka nabusog? Sa kinain natin kanina? That was one sandwich" pagpapa-alala sa akin ni Misha "At may audition ka pa mamaya diba? Anong energy mo mamaya?" Oo nga pala, sasamahan niya akong mag audition mamaya sa dance troupe, kasama na kasi siya at hindi na kailangan pang mag audition.
"Hindi pa naman ako sure kung sasama ako sa dance troupe" baka kasi magkaproblema sa schedule.
"Ano ka ba? If you are worried it might affect your studies or schedule don't worry hindi makakaapekto 'yon, yung mga practice is during free time" paalala sa akin ni Misha. Napatango ako sa sinabi niya kung ganon edi pwedi kong i-try.
BINABASA MO ANG
Dance Of Fate [Serano Duology #2]
Genç Kız EdebiyatıSerano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we have mutual understanding with different things, we do understand each other, be each other side, be with each other for almost everyday, chee...