Chapter 4: I got invited

0 0 0
                                    

CHAPTER 4 🌻

      Naglalakad ako ngayon dito sa pathway patungo sa canteen, bigla akong nagutom ngayon kaya hindi ako makapag focus sa General Biology class namin kanina.

Bigla nalang napasok sa utak ko…

May nagawa ba akong mali o kasalanan na kinagagalit ng tadhana?

Ginagawa ko na ang lahat ng makakaya ko para iwasan ang kambal, pero sa tuwing iniiwasan ko sila, ipinaglalapit naman kami ng tadhana.

“…Miss Rodriguez!” hindi ko napansin may tumatawag na pala sa akin mula sa likuran ko.

Si Jim, isa sa partner ko sa Science fair.

“Mionette nalang itawag mo sakin, Jim.” I smiled.

“Well, Mionette, Me and Jack decided we need to start na mag brainstorming later para naman mas maaga na natin mapag-isipan at magawa ang kung ano ang e re-representa natin sa Science fare…” blahblahblah.

Lutang ako ngayon.

Marami akong iniisip.
Si Jake, Si Jack, Ang pagka gutom ko, Ang Gawain sa school, Ang bayarin sa boarding house, ang uncredited subjects ko at marami pang iba.

Feeling ko sasabog na ang utak ko anytime.

Nakadating na ako sa canteen, bumili ako ng sandwich at tubig. Nagtitipid ako, kaya wag kayong ano.

“Hey girls, have you watched yung babaeng nag confess kay Jake, and defended by Jack?” Sabi ni Celine, one of the campus mean girls.

Nakuha nila ang atensiyon ko, kaya napahinto ako.

“Yeah, I saw it, pero the video was blur at nakatalikod naman yung girl.” Sagot naman ni Margarette, kaya nakahinga ako ng maluwag.

Yumuko ako habang lumalagpas sa kanila, para akong pagong na trying to hide under my shell.

“…Oo nga, pero sabi nila Kitty, may clearer video daw nun, pero they still couldn’t find out where.” Sagot naman ni Shaneen.

Nabangga ang tuhod ko sa isang table kaya naman nakuha ko ang atensiyon ng mga tao sa canteen. I mouthed ‘sorry’ at nagpatuloy ng palabas sa canteen.

I saw Issa’s death glare, the smiling demon leader ng campus mean girls…

and I hate her.

Kasi she’s obsessed with Jake and she even almost married him.

Halos tumatakbo na ako sa bilis ng paglalakad ko at nakayuko pa rin, at sa katangahan ko, I didn’t notice the glass door at bigla akong ---

*BOGSH*

nabangga dito at natapon ko ang tubig ko.

ARAY KO! Buti nalang nasa plastic bottle yung tubig ko, at buti na lang din hindi ko natapon ang sandwich ko.

Mas lalo akong nagutom sa pag-iisip kung bakit ang tanga tanga ko.

Bigla akong may narinig na mahinang tawa sa gilid.

SHET---Si Tim lang naman,

at ang team mates niya.

And ofcourse, pati si Jake.

Namumula na ako ngayon, nakakahiya ka talaga Mionette!

“ Ate okay ka lang ba?” mabilis na lumapit si Tim sakin, pero nakakapang-asar ang mukha niya na parang pinipigil ang pagtawa.
“Aray ko, ate…” binatukan ko nalang si Tim, sanay na ako dito, my protective yet bully little brother.

Crush: A Twin Brother's ConflictWhere stories live. Discover now