Chapter 16: Heart Break

1 0 0
                                    


Mionette’s POV

Naglugmok ako sa kwarto ng ilang araw, hindi ako lumabas at walang kinausap. Wala din akong ganang kumain.

*KNOCK KNOCK*

“Mione, anak…” Nagulat ako ng biglang narinig ko si mama.

Dahan- dahan niyang binuksan ang pintuan. Nasa ilalim ako ng kumot.

“May dala akong pagkain.” Sabi niya.
Hindi ako kumikibo,

“Kumain ka na, anak” Sabi niya ulit at umupo sa kama ko.

“Alam mo ba, noon, naging tutol din yung parents ng Dad mo sa aming pagmamahalan…” she started telling their story.

“Kasi nga, yung Daddy ko, assistant Doctor lang noon ni Mr. Yuan, your father’s father. Hindi kami mayaman, enough lang na maka provide for our daily living. Me and your Dad, first met noong mga bata pa kami, when Dad brought me sa Hospital and then Menard was there too, naglalaro. After a week of being playmates, hindi ko na siya nakita kasi they went to Australia na pala para mag-aral siya…”

“He came back, as a Doctor and I was one of his Nurse sa Medical Team… we met again, and fell in love with each other… pero ayaw nila Mr. Yuan, ayaw nila na mahirap lang ang papakasalan ng only anak nila, and Menard was supposed to be married sa Business Partner nila which is Dr. Allyssa Cruz, Jhulianne’s mom, you know her right?….”

Si Jhulianne nanaman? Why does she always get involve sa pamilya namin? at Sa buhay namin?

“Nagtanan kami ng Dad mo, at nabuo ka, when we came back, unti-unti ng nasisira at nababagsak ang Hospital. Nagalit si Mr. Yuan at tinakwil niya si Menard, bilang anak. Your Dad never thought sa kaniya ipapa mana ang Hospital, kaya he wanted to do all his best para mapatay ito ulit, para maka bawi sa lolo niyo….”

“Kaya ba your risking your own daughter’s happiness for the hospital?” I said.

“No, No… We thought Jake was your happiness, that’s why we chose the Forysth’s kasi we need something from them that our both families can benefit.” Sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko.

“Mom, I’m inlove with Jack, not Jake.”

Nanatiling tahimik ang paligid.

“Mione, I’m sorry, kung may magagawa lang ako for your happiness…” she hugged me and I felt nababasa na yung kumot ko sa mga luha niya.

Pero hindi pa rin ako lumalabas mula sa pagtalukbo at nanatiling nakatago hanggang sa umalis na si Mama.

I realize na people always make sacrifice for our love ones. Just like what Dad made dahil sa pagmamahal niya kay Mama noon, at pag risk niya sa kaligayahan ko because of his love kay grandpa. We all make sacrifices, I think it’s part of being human.

So I think, I need to sacrifice too.

I hope sa isang araw, magiging nalang ako tapos may magsasabi na IT’S A PRANK, MIONE! Sa lahat ng nangyayari dito.

*BZZZZT BZZZZT* pag vibrate ng phone ko.
Ayoko sanang kunin baka nonsense lang, kaso nag vibrate ito ulit.

It’s call from...

… Jack.

I answered it pero hindi ako nagsasalita.

“H-hello, Mione, I’m sorry. I’m really really sorry sa ginawa ko, I felt jealous towards you and Jake. Jake told me everything and it took time for me to realize everything…

I love you Mionette… Ipaglalaban kita.

Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo… Mione, patawarin mo ako, I want to see you badly Mionette.” He started crying.

Parang pinupunit yung dibdib ko hearing his sobs.

“Mione, please come out.” Sabi niya.
Nasa labas siya ng bahay?

Dali-dali akong tumakbo palabas.

“J-jack.” I said as we hug each other tightly. Para naman kaming si Romeo and Juliet nito. I’m her princess and he’s my knight in shining armor.

“Mione, I missed you. I’m really sorry. I love you.” He started crying again.

“J-jack, I know nahihirapan na tayong pareho…” sabi ko habang nakayuko, I’m trying to ignore his eyes.

“W-what are you t-trying to say?” He said.

“We need to make sacrifices Jack para sa mga mahal natin…” I started crying. We both cried.

“We need to cut this out na Jack, ayoko ng nakikita kang nahihirapan.”

“Are you breaking up with me? Kung sa ganun, Mas pinapahirapan mo ko Mione…” he hold my hands tight.

“Para sa ikabubuti ng lahat Jack, for our family, for our future…
I need to marry your brother.” I said at tumakbo papasok sa bahay na umiiyak.

I left him.

Masakit.

Pero Kailangan.

🌻

Crush: A Twin Brother's ConflictWhere stories live. Discover now