CHAPTER 5 🌻
“Ano bang susuotin ko?” sabi ko kay Senti sa kabilang linya ng phone.
“Basta magpaganda ka gurl, kasi dadating ang Jackals, and ofcouse your night in shinning armour, Jake”
Jackals ang pangalan ng Team ng Basketball sa school. Mga asong wild.
Nakapag desisyon kasi akong pumunta sa party ni Jason kasi hindi niya ako tinitigilan sa pagkulit, palagi niya akong tinetext na pumunta ako at magdala daw ng gift. Baliw talaga na Jason.
Sinuot ko ang peach na pastel color kong dress na above the knee, may sleeves siya pero backless.
Hindi kasi ako mahilig sa dresses kaya ito lang nasa akin, puro jeans lang kasi ako. Binigay ito ni mama sakin nung debut ko.
Pumunta ako sa salamin at nagandahan naman ako, bumagay siya sa kutis ko. Medyo maputi kasi ako, nakuha ko sa genes ng mama ko. Sinuot ko din ang white converse ko.
Binuhaghag ko lang ang buhok ko dahil nasanay na ako na palaging nakabuhaghag pero nagsuklay naman ako.
Kinuha ko na ang rattan sling bag ko at ang gift ko para kay Jason na sombrero. Mahilig kasi siya magkolekta ng mga ito.
*BEEP BEEPP*
Biglang vibrate ng phone ko.
“Hello, Nadia?”
“Nasa labas ako ng boarding house mo gurl, hali ka na”
“Sige sige palabas na ako.”
Sinundo ako ni Nadia, pinagdrive kasi siya ng Daddy niya kaya isnibay niya nalang ako.
-
ANDAMING TAO SA BAHAY NI JASON.Basketball Varsity Team, Cheerleaders, mga barkada niya, at iba pang taga State University.
“Heyyy gurls!” sigaw ni Senti nang makita niya kami.
“Hoy bakla, andaming tao, uwi nalang kami.”
Pambibiro ni Nadia kay Senti.
“gaga ka talaga Nadia, hali ka na pasok tayo.”
Sa pagpasok namin, pinagtitinginan kami ng mga tao---Or should I say, pinagtitingan ng mga tao si Nadia.
She looks so stunning wearing her shimmering black sleeveless, she tied her hair up at nag make up din siya ng light lang. So effortless ng beauty ng chinitang ito.
“Mioneeeette! I’m glad dumating kaaa” Sigaw ni Jason at niyakap niya ako.
Niyakap ko din siya pabalik,
“Happy Birthdayyy Jas! Oh heto gift ko, mura lang iyan, kaya wag kang mag expect”
“Salamat Mionette! Kahit ano, basta galing sayo tatanggapin ko” sabi niya at tumawa.
“Sus. Bolero!” He pinched my cheek tapos umalis kasi mag e-entertain daw muna siya ng ibang mga bisita at team mates niya.
“Asan si Senti? Bakit biglang nawala?” tanong k okay Nadia.
“Umalis, may tumawag sa kaniya” sagot naman ni Nadia na busy ng pamimili ng kakainin.
“…E-excuse me,” may lalaking lumapit samin na may dalang beer at champaign.
“Yes?” sagot naman ni Nadia.
“I’m Benji,” He extended his hand.
“I’m Nadia, and this is Mionette” pagpapakilala ni Nadia samin.
YOU ARE READING
Crush: A Twin Brother's Conflict
Teen Fiction"Crush" noun | /'krəsh/ noun : a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time ... But what if it does last long? Crush pa din ba ang tawag dito? Anong kaya mong gawin para ipaglaban ang maha...