“Sorry talaga Jack, hindi ko sinasadya na masira ang uniform mo dahil sa kape ko.” Sabi ko sa kaniya.
“It’s okay. Kung tutuusin may kasalanan din ako, dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko” he smiled.
Super duper pareho talaga ng mukha at body si Jack at Jake, unlike other twins na doesn’t really look exactly the same. Yung iba kasing mag-kambal ay madali mo lang ma identify kasi may nunal ang isa sa mukha, at ang isa wala, o kaya may marka o kaya hindi pareho ng porma ng katawan at mukha.
Unlike Jake and Jack na identical twins, they totally look similar.
There are two things na para ma identify mo kung sino sila, ang balat nila sa katawan at ang sinusuot nila.
Ang balat ni Jake ay nasa kaliwang dibdib niya na parang mapa ng Palawan. (p.s. Alam ko ito, hindi dahil sa hinubadan ko siya, kundi dahil I saw it on his mom’s Instagram post.)
Kay Jack naman ay nasa kanang gusok niya at pormang pilipinas at mas malaki kesa kay Jake.
“Hey, tara?” nabalik ako sa diwa ko nang Makita kong bitbit na ni Jack ang bag at laptop ko.
“H-ha?” sabi ko ng pautal
“Sabi ko, sabay na tayo sa school, doon din ka naman pupunta diba?”
“Wag na Jack, akin na yang bag ko!” I tried to grab my bag pero hindi ko maabot dahil ang taas niya.
Tumalon talon ako para makuha ang bag ko na ipinatong niya sa ulo niya.
“Jack! Malalaglag yang laptop ko!” pag-aalala ko.
“Are you really trying to get your bag from a 6 footer?” patawa-tawa niyang sabi.
Wala na akong magawa. He just mocked my height, so I didn’t fight back.
Inirapan ko na lang siya.
He smiled at me, and opened the front door beside the driver’s seat.
Pero hindi ako pumasok dun, instead, I opened the back seat at doon umupo.Hindi na siya pumalag.
Pumasok na siya sa kotse niya at ibinigay sakin ang bag ko and nag drive na patungo sa school.
Tahimik lang ako dito sa likuran habang yakap ang bag ko.
“hey...Mionette”
pambabasag niya sa katahimikan na bumabalot sa loob ng kotse. Tiningnan niya ako mula sa salamin na nasa harapan niya. Hindi ako umimik and just look at him nalang sa mirror din.
“...about last time,”
“Jack may pusa!!!”
I shouted!Siyempre hindi totoong may pusa, ayoko lang talagang pag usapan yun kasi alam kong pag dating ko sa skwelahan ngayon, may bagong challenge at problems na naman akong dapat haharapin.
I saw him smiled.
Na gets niya yata na ayaw kong pag-usapan yun dahil hindi na niya tinuloy at bigla nalang nag change topic tungkol sa uniform niyang namantsahan ko.
“Nag sinungaling ako kanina na okay lang na namantsahan mo yung damit ko…” biglang sabi niya.
“H-huh? B-bayaran n-nalang kita” I replied na nakayuko. Nahihiya na naman ako.
“Of course, you should pay me back.”
Bigla niyang inihinto ang sasakyan sa isang sulok ng daan, malapit na ito sa school naming, ilang hakbang nalang. Lumingon siya sa akin at dahan dahan niyang tinatanggal ang butones niya isa-isa.
YOU ARE READING
Crush: A Twin Brother's Conflict
Genç Kurgu"Crush" noun | /'krəsh/ noun : a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time ... But what if it does last long? Crush pa din ba ang tawag dito? Anong kaya mong gawin para ipaglaban ang maha...