Chapter 18: The Wedding Day

0 0 0
                                    

Today is the day. I’m going to be Mrs. Mionette Rodriguez-Forsyth.

It has been a year of preparation Excited ang lahat sa kasal namin.Hindi bongga yung wedding namin, this is just for formality sa arrange marriage.

Our visitors was limited sa 200 ka tao lang. And all of them are Business partners ng family namin.

Andito pa ako sa kwarto ngayon. Hindi pa naka gown, were still currently taking photoshoot sa dressing room with my brides maids.

The photographer took photos sa aking mga susuotin, simula sa bridal gown, sandal, boquet, relo, jewelries, at iba pa.

“One… two… three… smile…*click click*” sabi ng photographer.

“It’s 8:30 already,please prepare the bride” sabi ni Ms. Myrtle Assisstant Coordinator sa Wedding ko.

Kinabahan ako bigla.

Binihisan nila ako, I wear my off shoulder gown with little glimmering diamonds embedded on it. I wore my sobrang nipis na silver necklace given by Jake sa birthday ko. A prada shoes given by tita Edith and a pair of diamond earings given by tita Audrey, my mom’s sister.

I saw my pretty bridesmaids wearing peach gowns with different designs.

“Tara?” sabi ni Jenni, my maid of Honor. Since nauna na ang mga bridesmaids sa isang sasakyan.

Sumakay kami sa white Lamborghini na nakaparada sa labas ng bahay.

“Are you okay?” tanong ni Jenni sakin.

“Kinakabahan ako Jenn.” I replied.

Hinawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit na sinasabing everything will be alright hanggang sa makarating kami sa Simbahan.

“Andito na ang bride!” narinig kong sabi nila.
Sinara nila ang pintuan ng simbahan…
At biglang tumugtog ang PERFECT ni Ed Sheeran

“I found a love for me
Darling just dive right in, and follow my lead
Well I found a girl… beautiful and sweet…
I never knew you were theat someone waiting for me”

Binuksan ni Jenni ang pintuan sa sasakyan at dahan dahan akong lumabas habang inaalalayan niya ako.

Lumakad ako hanggang sa harap ng nakasaradong pintuan, inayos ni Jenni ang veil at gown ko.

“You’re so pretty” she said habang teary-eyed na ang friend ko. I mouthed thank you.

Kasabay sa pagtugtog ng magandang musiko, dahan-dahan nilang binuksan ang pintuan.

Biglang may smoke effect. Natanaw ko ang mga bisita. Nasa harap ko ngayon sila mama at daddy para ihatid ako sa altar.

They both kissed me on my cheeks.

“You’re little girl no more Mionette.” Mom whispered.

Dad didn’t say a single word pero nakikikita ko ang mangingiyak niyang mga mata.

Maraming bisita ang nakatingin, pumapalakpak at kumukuha ng litrato habang naglalakad kami sa aisle.

Napatingin ako sa kanila.

... Nakita ko si Timothy sa harapan. Umuwi siya galing Canada from his game. Isa na siya ngayong PBA player, they joined leagues from outside the country.

Umuwi din pala sina a kuya Michael at kuya Lennard, Jake’s older brothers from Mexico, just to attend our wedding. Ate Miles went home too from Thailand with her husband kuya Keneth.

Isa lang yung hindi ko nakikita… si Jack.

I couldn’t see him anywhere.

I haven’t seen him since we broke up. Lumipad siya patungong Australia at wala kaming balita galing sa kaniya, kahit na si Jake.

I missed him.

Nalulungkot tuloy ako.

Bakit ko pa kasi siya naisip eh hindi naman siya ang papaksalan ko, kundi si Jake.

I saw Jake smiling.

Nagbigay galang siya sa mga magulang ko at Kinuha niya ang mga kamay ko sa kanila.

My heart beats faster.

May naramdaman akong hindi ko maipaliwanag when Jake hold my hand.

Para bang… AY MALI. You’re just hallucinating Mione! You just missed him.

So stop it!

“Are you okay?” he asked.
“Y-yeah. I’m just nervous”

My mind keep on wondering things na hindi naman dapat.

The ceremony started.

I wanted to run away, and cry as long as I can.
I wanted to say sorry and tell everyone I couldn’t do this since I’m still inlove with Jack.

I’m heart broken on my Wedding Day.

Hindi ko kinaya at umiyak ako.

I can feel my makeup getting ruined dahil sa mga luha ko.

Hindi naman nila nahahalata na umiiyak ako dahil nakatago ang mukha ko sa veil ko.

Pinunasan ko ng panyo ko ang mga luha ko. As if it’s a tears of joy.

Pero yung totoo, tears of having no freedom pala.

“…Mionette, I’m so  thankful that I’ve met you… My life was dark and full of hatred, until I found you. You taught me how to love. You gave me light and guided me to walk in the right path.”

Jake started his vows. Nakayuko lang ako.

I couldn’t look into his eyes.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. How I wish si Jack ang nasa harap ko.

“Ever since, I adore every little things you have.  Remember when I told you, gagawin ko ang lahat just to get you back?...” he stopped.

Napatingin ako sa mga mata niya.

He’s crying.

Pero… naguguluhan ako…

“What are you saying?” sabi ko habang hindi naka microphone.

“Remember when I told you, ipaglalaban kita ‘coz you’re worth fighting for?”

Isang tao lang ang nagsabi sakin niyan before… but It’s not Jake…

…but Jack.

Napatingin ako sa audience.

I saw someone… nasa likuran… I couldn’t believe kung anong nakikita ko.

DALAWANG FORSYTHS.

JACK AND JAKE.

But which one is Jack… and which one is Jake?

🌻

Crush: A Twin Brother's ConflictWhere stories live. Discover now