Nagising na ako mula sa pagkatulog, kinurot ko ang aking sarili dahil naalala ko nanaman na binanggit ni Jake ang pangalan ko noong malasing siya sa bahay nila Senti.AHHHHHHH nanaginip na naman ba ako?
Pinagpapantasyahan ko nanaman ba si Jake?
*BEEP BEEP* tunog ng aking cellphone, kaya kinuha koi to.
“Wake up. Sa bahay tayo. NGAYON.” … *BEEP BEEP* “p.s. this is Jack”
Tumingin ako sa kalendaryo, omg 1 week nalang pala para sa Science fair project namin.
\./
Dali dali akong naligo at nagbihis.“Ma, alis po muna ako”
Umuwi pala ako sa bahay dahil bigla akong nabagot sa boarding house.
“umalis na si mama, ate!” sagot naman ni Toby, bunsong kapatid namin habang kumakain donut
“Kanino galing iyan? At Nasaan ba kuya Tim mo?----Tim!!” sabi ko, dahil magpapahatid sana ako para mas madali akong makarating doon at baka magagalit naman and dinosaur na Jack.
“yung nasa labas ate, kausap ni kuya ngayon…” sabi niya ulit.
Hindi na ako nag agahan at dali dali akong nagsuot ng sapatos at pumunta sa labas.
Muntikan na akong mabangga sa pintuan nang makita ko si Jake, kausap si Tim.
“..Oh ate? Bakit mo ako hinahanap?” gulat na sabi ni Tim.
“Magpapahatid sana ako sayo, kaso busy ka yata… sige mauna na ako” binilisan ko ang hakbang ko.
“Saan ka ba pupunta?”
Patay.
Sasabihin ko bang kina Jack? Eh kina Jake din yun? Bakit ba? Pake niya? Nakakainis naman to!
“K-kina Jack”
“Sa bahay?” biglang sambat ni Jake.
Tumango lang ako at iniiwasan makipag eye contact kay Jake.
“Pauwi na din ako, sabay nalang tayo”
sabi niya at kinuha ang susi mula sa bulsa niya.
“Mauna na ako Tim, isasabay ko nalang ate mo” pagpapaalam niya kay Tim.
“H-ha?”
“Sige na ate, sumama ka na kay kuya, pauwi din naman siya, atsaka marami akong gagawing requirements kaya di kita masasamahan”
pangiting sabi ni Tim habang kumakamot sa ulo.
TIMOTHYYY!! WAG KANG GANIYAN! SAVE ME PLEASE!!!
Tinulak ako ni Tim palabas, kasunod ni Jake kaya binatukan ko siya, buti hindi kami napansin ni Jake na nagbubugbugan sa likuran niya.
“TEKA…J-JAKE? Nasaan kotse mo?”
“Pina repair ko muna, nabundol ko kasi kahapon, kaya motor yung gamit ko ngayon.”
SHET. MAGMOMOTOR KAMI?!?!!
“Tim, papatayyin kita mamaya kapag pipilitin mo kong sumakay dito” bulong ko kay Tim para hindi marinig ni Jake.
“Sige kuya Jake, mag ingat kayo ha, ingatan mo ate ko.”
Sabi ni Timothy at ginulo ang buhok ko.
Lumapit sakin si Jake…at hinawi niya ang buhok kong nagulo
…inilagay niya ito sa likuran ng tenga ko…
Bakit ba wala akong ginagawa? Bakit hindi ako makagalaw?
YOU ARE READING
Crush: A Twin Brother's Conflict
Novela Juvenil"Crush" noun | /'krəsh/ noun : a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time ... But what if it does last long? Crush pa din ba ang tawag dito? Anong kaya mong gawin para ipaglaban ang maha...